Nung College ako, nagkaron ako ng barkada sa UST. 11 kami sa barkada, apat na couples, 3 solo flight. I was in a different college from them though. Commerce sila at nameet ko lang sila dahil kablock sila ng best friend ko. Yung totoo pinagsiksikan ko sarili ko sa barkada nila dahil tinamaan ako sa isang babae dun. After ilang months, sinagot naman niya ko. Masaya kami except for the fact na tago yung relationship namin dahil chinese siya at ayaw ng parents niya na Filipino maging boyfriend niya. Grumaduate kami ng UST nung 2001 nang kami pa rin at walang alam parents niya. Fast forward to 2007, di ko alam paano pero nalaman ng parents niya. Gusto niyang magtanan kami that time. Handa siyang iwan pamilya niya pero di ako handa, duwag ako. Wala pa kong stable na trabaho nung panahong yun. Nagcool off kami. 6 months kami nagtiisan. Pero alam ko nung mga oras na yun na magkakabalikan rin naman kami. Akala lang pala yun dahil sa kagaguhan, kayabangan at kaduwagan ko, may nabuntis akong babae habang cool off kami ng girlfriend ko. Pinagtapat ko sa kanya. Parehas kaming umiyak kasi dun nagsink in sakin na di ko kayang wala siya. Umalis siya nang walang sinasabi pagkatapos ko umamin at umiyak. Umalis siya nang wala kaming proper closure. Pinanagutan ko yung babaeng nabuntis ko at nagpakasal kami. Tuwing lalabas rin barkada namin, isa samin hindi sasama. Alam kong naging bitter na siya simula nung nawala kami dahil hindi na siya nagkaboyfriend up to now...pero naging kabit siya months after our break up. Naging kabit siya sa isang officemate niya. Her sister (na barkada rin namin/asawa ng best friend ko) told me this. Her sister told me that she became rebellious and destroyed herself after I broke her heart. And if I were to be honest, there are times that I would get drunk and wish that it's her I would come home to. If I were honest, I'd admit na siya pa rin. Siya pa rin mahal ko at di ko magawang mahalin asawa ko dahil nabubuhay pa rin ako sa 6years na relationship namin ng ex ko. Ang sakit at nakakatawang isipin na mahal pa rin naman pala namin isa't-isa after 8 years pero hindi na pwede.
A man
2001
Faculty of Arts and Letters
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles