Nakasalubong ko sa UST ang boyfriend ko na nakangiti at
may ka holding hands na babae sa kasingit singitan ng
botanical garden kahit ang sabi nya
sakin may group meeting lang daw sila.ayaw ko gumawa ng skandalo kaya
huminto ako sa harapan nila
at binigyan sila ng malumanay na titig,
titig ng isang taong pinagtaksilan,
nakaramdam ang babae, yumuko sa hiya si lalake,
sinubukan kong maglakad pa
at daanan lang sila.
ang sakit.pumunta ako sa Lover's Lane
iniisip kung anong mali ang nagawa ko
baka kasi puntahan nya ako doon
sinigurado ko namang naging mabagal ang lakad ko
pero walang dumating sa tabi ko.umiyak ako nun.. may mga taga highschool pa na
naglalaro sa paligid ko,
may isa ding babaeng naka upo sa bench
(nasa lapag ako sa tabi ng isang bato na upuan)
at lahat sila may kanya kanyang ginagawa
di ako napapansin
o ayaw ako pansinin?utang na loob, kung makakita naman kayo ng lugmok
na tao sa lover's lane o kahit saan man sa UST
sana kausapin nyo
di nila kayo nanakawan, o pag sisinungalingan
kailangan lang naman nila ng makakasama
sa saglitang oras na mag isa sila.pero di ito para sa lahat,
di naman kasi lahat ng tao comportable
sa mga ganitong emotion o usapan
lalo na pag di mo kilala.pero gusto ko lang ikwento ang naranasan ko,
malay nyo,
sa pakikipag usap lang sa naghihingalong taong iyon
natulungan nyo syang makapag isip isip na
di nalang magpakamatay.Lover's Lane Girl
FACULTY OF ARTS AND LETTERS
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles