Nung gabi ng USTV last year, pinalabas na lahat ng estudyante sa main building. Nandun kasi mag-aayos ang mga artista from ABS at GMA na magpeperform sa stage.
Nakakulong ako sa isang cubicle sa main building, umiiyak. May pagkamaingay yung iyak ko. Nahuli ako ng isang stage staff na nag-iinspect, pero pinabayaan na lang ako. Naawa yata. Nagsimula lahat ng pagdadrama ko ng brinought-up ng boyfriend ko ang concept ng polygamy earlier that day. Bigla na lang siyang nagsermon na kung ginawang morally-righteous ng society ang pambababae, wala na sanang mga annulment at broken families. Ta’s prangkahan ko siyang tinanong, “May ibang babae ka ba?” Napatahimik siya na parang may gustong aminin, saka sumagot, “Plano ko”.
Basang-basa na yung iPhone ko ng luha. “Ang vanilla ice cream” sabi ng isang mahinhing boses. “Ang solution sa lahat ng problema”. Alam kong ako ang pinatatamaan. Kaya binuksan ko ang pinto para pagsabihan yung nagparinig to mind her own business. Ng ang lumantad sakin ay si JESSY FUCKING MENDIOLA. Nastar-struck ako, pero masyado akong malungkot para hysterical at OA na magreact.
“Problema?” tanong ni Jessy habang nagpupulbos. “Lalaki ba yan?”
“Gagong lalaki” clinarify ko. “Pero bakit ganun? Kahit ganun siya..mahal ko pa rin” bumuhos na naman yung iyak ko.
Nilapitan niya ko then she gave me the most consoling words I have ever heard in my life. “Punyeta! Umayos ka! Ate, wag bobo! Kaya maraming gagong lalaki, kasi nagpapagago tayo. Mga prinsesa tayo, and we deserve to be. At kung di nila tayo tatratuhing prinsesa, dapat ipaalam natin sa kanila that we can end things with them with fierceness and boldness. Tangina wag mo ng iyakan yan!”
Naliwanagan naman ako sa sinabi niya. Nagkaron din daw kase siya ng mga ex na mga gago at di-seryoso. Nagulat daw ba ko na nagmumura siya. Sabi ko, medyo. Sinide-hug niya ko, ta’s umalis na siya. Thank you Ms. Jessy Mendiola. You should know I’m all better now. Oo nga, nagmumura ka just like everybody else, pero with sense. And P.S. nabasted yung ex ko ng four consecutive times. Naturn-off yata sila sa polygamy speech niya.
rcarbonell
2013
Faculty of Arts and Letters
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Não FicçãoThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles