Tulalang tulala ako sa kawalan nun. Di ko malaman kung pano ko sasabihin sa tatay ko na nahulog ko yung 4k na allowance ko. First day na first day ng semester, minalas agad ako. Naisip ko noon, tanga ko naman. Nasa wallet na inalis ko pa. Biglang may nag approach sa akin na guy..
"Excuse me, Miss? San po yung building ng nag aaral ng communication arts?"
Syempre ako wala sa isip, tumayo, sabay sabing "Oo, nawalan ako ng pera. ay este, doon banda po. diretso lang po kayo. "" Tapos umalis na ko at umuwi.
Dumaan ang ilang weeks, habang kumakain ako sa dapitan. May kumalabit sa akin.. " Miss, nahulog niyo po noong isang araw"" Sabay abot ng nakafold na apat na libo. Gulat na gulat ako noon! sabi ko kay kuya, "" Kuya! hulog ka ng langit! maraming salamat!!!! lilibre kita kung gusto mo, kahit saan" at nag tatatalon ako sa tuwa.
Nagpalibre naman siya.. nilibre ko sya ng mumurahing shake. At dun kami nag kakilala. Ang pangalan nya ay Raymund at ako naman si Aida. Napag alaman ko na may kapatid sya na first year sa AB at nung time na bigla na lang ako umalis, tinatawag niya daw ako pero parang wala sa tamang pag iisip. Nalaman ko na 24 na siya at may anak na 7 mos. old. Sabi nya, naghiwalay daw sila ng asawa niya dahil hindi pa daw ready na maging nanay ung asawa. Weird pero muka namang honest sya. Simula nun, dumalas ung pagkikita namin. Hinahatid nya na ako malapit sa bahay na tinutuluyan ko at madalas na kaming kumakain sa labas. Nakarating din ako sa bahay nila. Mayaman siyang lalaki, maganda ang trabaho, kotse, bahay, at may dalawa silang kasama sa bahay. Isang taga alaga ng anak niya at isa namang taga linis ng bahay. Mabait si aling rosa at aling adel. Nagulat nga daw sila na may pinakilala si Sir Raymund nila sa kanila. At dun mas lalong lumalim ang relasyon namin ni raymund, kahit pa man na 19 lang ako at sya ay 24 na. Kinuwento ko sa bestfriend ko na si Carlo ang lihim na pagtingin ko kay Raymund, sabi ni carlo.. "Aida, itigil mo na yan. Ikaw lang masasaktan dyan. Kasal pa din sila kahit pagbalikbaliktarin mo ang mundo." Matigas ang ulo ko kaya binale wala ko lahat ng payo ni Carlo .. at dahil mahal ko na din si Raymund.
Lumipas ang ilang buwan, umamin si Raymund na nagugustuhan niya ako ngunit labag sa kalooban nya na ligawan ako dahil nga akoy isang kolehiyala at siyay pamilyado na. Sinabi ko naman sa kanya na pagkatapos na lang ng aking pag aaral. Pero syempre, di napigilan ang simbuyo ng damdamin.. naging kami nung ako'y nasa third year college na. Nagkaroon din kami ng financial crisis nuon kaya nakitira muna ako sa kanila. Nagkaroon ako ng sariling kwarto at naalagaan ko ang anak niya noon. Naging mabuti naman ang pakikitungo sakin ni aling rosa at aling adel, pati na din ang kapatid na babae ni raymund. At habang akoy nakikitira sa kanila, dun ko nAramdaman na desidido na kong makasama si raymund sa habang buhay at maging nanay ni raymark (pangalan ng kanyang anak) pagkatapos na pagkatapos ko ng college.
Hanggang sa naka graduate na ko.. kami pa din. Di pa din kami natitinag. Si carlo walang humpay ang pag papaalala sakin na ako lang ang masasaktan sa relasyon namin.
Isang araw mag cecelebrate na kami ng aming 3rd year anniversary. Di ko alam kung anong meron sa araw na yun, kabado ako at pinagpapawisan. Kumain kami sa paborito kong restaurant at nakita ko na parang may gusto siyang sabihin.
Maya maya nag salita sya, "I love you, Aida.. Alam mo kung gaano kita minahal.. pero si Rachel........gusto niyang ayusin ang pamilya namin para kay raymark..."
Natahimik ako at di ko napansin ang luha na tumutulo mula sa aking mata. Biglang pumasok sa isip ko lahat ng sinabi ni carlo. ang araw na unang nagkakilala kami ni raymond. at kung paano kami magtatapos ngayon. Ang tanging nasabi ko nun,"" umuwi na tayo.""Pag ka uwi namin, inayos ko na ang gamit ko, kahit sinasabi nya na next month pa naman babalik si Rachel, alam ko kailangan ko na umalis at hayaan na maging masaya ang pamilya nila. Bago ako umalis, pumunta ako sa kwarto ni Raymark, sabi nya "Tita, are you going to buy me another bike again?" tapos biglang pumasok sa isip ko na.. i was doing the right thing. i grew up in a broken family.. i want raymark to be with his mom and be happy in the future. After that, binigyan ko siya ng kiss and matinding hug then left raymund's house.
After 6 years, i finally moved on. Im working in a hospital as a nurse. While doing my work, inassign ako sa room 301 and familiar ung name ng patient. Raymark .......... Pag pasok ko.. isang batang 9 y/o ang bumungad sakin. Siya na ung anak ni raymund. Inasikaso ko siya and asked him kung asan ang parents niya. With all honesty ang sinagot niya, "My mom's too busy to take care of me, my dad is the only one here." sa isip ko nun, parehong pareho lang ang nanay niya. Biglang may pumasok na lalaki.. di ako makatingin sa likod nun dahil ang boses na narinig ko ay paniguradong si Raymund. Biglang lumapit sa akin ung lalaking pumasok at sinabing "Nurse, kamusta po kondisyon ng anak ko?". Napatingin ako sa kanya at nagulat siya sa nakita niya. Natahimik kami for awhile. Tapos nagsalita siya "Aida, it's been a long time, akala ko mag aabroad ka." then mag hahand shake sana kami ng biglang pumasok ung doctor. Sabi ni doc, " Hon, dito ka pala na assign" Nagulat si doc sa nakita niya. Doc knows my ex very well, at nagulat din si Raymund sa nakita niya at sinabing "So you two ended up together. Congrats Carlo! Finally. "
I looked at my husband as he wraps his arms around me at saka niya sinabi " It's a good thing we ended up together or else she'll be miserable for the rest of her life". I realized how lucky I am.. Si carlo na sumalo sa akin noong time na umiiyak ako. Habang nag aaral siya, inaasikaso niya ko. Pinakasalan niya ko, at binigyan ng dalawang cute na cute na anak. Nakita ko kung gaano ako mas naging blessed nung nawala ung akala kong nag iisang lalaking mahal ko. Kaya my dear thomasians, ang lesson dito. Hindi katapusan ng mundo pag iniwan tayo ng tao na akala natin ay mahal natin, kasi for sure, God reserved you for someone better and worthy of your love.
It must be TRUE LOVE
2003
College of Nursing
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles