May nameet ako na girl sa bar, somewhere in morato. Pinakilala siya sa akin ng blockmate ko, hs friend niya pala kasi yun. Sobrang hot niya, mala-maria mercedes ang ganda. Di ko alam pero feeling ko type niya din ako.
Nagkakilala kami, tapos nung gabi din na yun hinatid ko siya sa condo nila. May nangyari samin.
After a few months, may nagtetext sa phone ko. Sabi:
R***, si j*** to. Buntis ako.Parang sinakluban ako ng langit at lupa. Graduating na ako nung school year na yun. Malapit na finals namin, di ko alam gagawin.
Di ko siya nireplyan o tinawagan pabalik. Sadyang nagulat lang talaga ako. Ang tanga tanga ko, nabuntis ko isang babae na di ko as in kilala. Kinukulit niya ako, tinetext niya na ako sunod sunod, minumura sinasabihan ng kung ano ano. Puta sino ba naman di mapapamura talaga isang gabi ko palang siya nakilala, tapos tatay na pala ako.
Hanggang sa nagtext siya sakin na:
R***, alam na ng mga magulang ko. Hindi ko sinabi sino ang ama, putangina mo pinagtakpan pa kita. Ayaw ko masira kinabukasan mo, kasi tangina bat pa ko bumigay sayo nun. Kasalanan ko din to. Pero kung may awa ka pa sa akin, sa amin, panagutan mo to. Di na ako pagaaralin ng mga magulang ko tangina. Pero kahit na anong mangyari, di ko ipapalaglag to. Sumagot ka naman. Lalaki ka ba talaga.Yun ung napakahabang text niya sa akin na nakapagpabago ng isip ko. Oo matagal na ako di nakakaroon ng gf, pero magiging tatay na ako agad. Kagaguhan. Pero di niya sinabi sa mga magulang niya ako ung ama. Tangina.
Nireplyan ko siya. Kahit na inaayos ko reqs ko at kung ano ano pa. Nagkita kami sa tapat ng main. UST din pala siya. Tangina ano ba tong pinasok ko. Nagkita kami, nakita ko siyang umiiyak. Tangina talaga. Di ko na alam mararamdaman, hanggang sa nasabi ko na, sige papanagutan ko ung anak. Sinabi ko talaga un. Niyakap niya ako, at pinagmumura mura.
"Tangina mo ka, papanagutan mo lang din pala."
Tinanong ko siya kung ako ba talaga ang ama. Minura mura niya ulit ako at sinabing ako nga. Di parin ako makapaniwala. Pero sinabi ko sa sarili ko bahala na. Graduate naman na ako paglumabas na ang bata. Di ko parin talaga alam gagawin.
Sa kabutihang palad, nainlove ako sa nanay ng anak ko. Lagi ko kasi siyang sinasamahan magpacheck up, niligawan ko siya, naging kami. Lumabas na ang baby, pinangalanan ko siyang Thomas. Nagpakasal kami ng nanay niya. At ngayon 5 years na kami happily married.
Di ko alam kung paano umabot sa ganto, pero masaya ako ngayon. Di ko pinagsisihan na naging ama ako sa batang edad.
-Ang Batang Ama
Faculty of Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles