Will You Be My Girlfriend?

18.7K 534 20
                                    

Nung una kitang nakilala aaminin kong hindi agad kita nagustuhan. Tahimik ka kasi. Yung tipong hindi magsasayang ng laway kung hindi importante. Pero dahil seatmate kita, naging biktima ka ng ADHD ko. Natutuwa pa nga ako sayo non kasi kahit makulit at weird ako never kang nagpakita ng kahit konting hint ng inis. Minsan nga tinotolerate mo pa nga ako eh, tulad nung sinabi ko sayo na parang feel kong i-drawing si Spongebob sa kamay mo, kusa mong inalay ang kamay mo para maging canvass ng masterpiece ko.

Naalala mo ba nung nagdala ako ng baong kanin at ulam sa school, pinagtawanan mo ako? At isang linggo mo akong inasar at simula non hinding hindi na ko nagdala ng baong pagkain sa school. Pero dahil nakonsensya ka, nagsimula kang magdala ng pagkain para sa akin. Hinding hindi ko makakalimutan yun kasi nag-gain ako ng 5 pounds dahil yung favorite kong bacon ang lagi mong binabaon.

Kapag absent ka, kinukulit kita sa text, at kahit ang tagal tagal tagal tagal tagal tagal tagal tagal mong mag-reply, nag-hihintay pa rin ako kasi na-mimiss kita. Naalala ko nung kaka-start pa lang ng 2nd sem, isang linggo kang wala. Text ako ng text, pero hindi ka nag-rereply. Nag-out of the country ba kayo? Bakit hindi mo ako sinabihan? O baka naman nagpalit ka na ng number? Nawalan ng load? Ang dami dami kong naiisip nun. Kailangan kong malaman. Kaya tumawag ako.

“Hello?”

Binaba ko agad.

Bakit babae ang sumagot?

Girlfriend mo siguro?

Nag-text ka. Sabi mo, Busy ako L, please don’t text or call me.

Sorry. Busy ka pala. Busy sa girlfriend mo?

Sobrang nagtampo ako sayo nun. I stopped texting you, kahit mahirap. You owed me a lot of explanations. Gabi gabi akong umiiyak because of that.

A week after, pumasok ka na. Lahat ng classmates natin nag-kumpulan sayo. So ano ka na ngayon? Artista? Tapos sa kanila kwento ka ng kwento. Tapos sakin simpleng explanation lang thru text di mo pa mabigay? Hindi ko kayang makita ka kaya lumabas ulit ako ng classroom. Mag-ccut na lang ako.
Pero pinigilan mo ako. Ang higpit higpit ng kapit mo sa kamay ko. Struggling was useless.

“Sorry, L. Hindi ko masabi sayo.”
Ang alin? Na may girlfriend ka na? Na naging selfish ka? Pero wala akong masabi. Ni hindi kita matingnan sa mata, kaya sa dibdib mo na lang ako napatingin. Napansin ko biglang may nakaumbok sa dibdib mo.

Tiningnan kita sa mata. Parang alam ko na. Pero ayokong marinig. Ayoko. Ayoko. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, para bang wala akong narinig sa mga sinabi mo kung hindi yung, “I only have a few weeks left.”

Napaiyak na lang ako. Ang sakit malaman na mawawala ka na. Sana hindi na lang tayo naging close. Sana hindi na lang ikaw naging seatmate ko. Sana hindi na lang ikaw ang minahal ko.
Pinunasan mo ang mga luha ko sabay sabing...

“Bakit ka ba umiiyak? Di pa ako tapos. Papunta kaming States para magbakasyon. I only have a few weeks left dito sa Pilipinas.”

Dahil sa sobrang inis, sinuntok kita. Tumatawa ako pero patuloy paring tumutulo luha ko.
Tinanong kita kung ano yung naka-umbok sa dibdib mo. Tinanggal mo ito.
Isang box? Binuksan mo, sabay luhod sa harap ko.

“L, will you be my girlfriend?”
Di ako makasagot nung mga oras na yun. Pero syempre alam kong alam mo naman na nun kung anong sasabihin ko sayo diba?

Ngayon, 4 years na tayo and counting. Thank you, G. I’ll skip the cheesy speech and just say it straight to the point. I love you, and I’ll always be here for you.

P.S. Pinsan nyang babae pala yung sumagot ng phone nya that time hahaha


2006 
AMV College of Accountancy

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon