We grow up together.. Like mula nung nagkaisip ako kasama ko na siya.. 4 years old tho magkatabi lang bahay namin at magkaibigan parents namin. Siya lagi kong kalaro, pareho kami ng school hanggang college, although I'm in higher level than her, lagi kaming magkasama pagkatapos ng klase.
Sa kanya ko lang gustong makipaglaro. Yung tipong ayoko ng ibang kalaro, gusto ko siya lang.. Kahit lutu-lutuan pa yan o barbie-barbie, nakikipaglaro pa rin ako sa kanya.
Dun ako lumaki sa province. elementary ako, lagi akong nasa bahay nila pagkatapos ng klase.. Sabay kaming gumagawa ng homeworks tapos maglalaro na pagkatapos. Hanggang highschool lagi kaming sabay pumasok at umuwi, madalas sasama pa ako sa bonding nila kahit puro sila mga babae para lang makasama siya.. And yes, we're childhood friends, best friends, buddies.. And yet I have feelings for her, I like her.
College, I have to move here in Manila to study. Kaya naiwan ko siya sa province namin.. Nasanay kami pareho na kami lang dalawang magkasama tapos darating pala yung araw na gigising nalang kami pareho na sa text nalang ang "good morning" at hindi na sa personal. Pero pag graduate na ng highschool, dito rin siya nagcollege sa UST. kaso nga lang.. 1 year lang di kasi niya kayang malayo sa magulang niya.
Every vacation umuuwi ako ng province, dun lang kami nagkakapanahon para makapagbonding ng matagal. Yung nagagawa namin yung dati naming nagagawa tulad ng movie night, strolling, etc. Every visit ko dun lagi akong nagpaparamdam sa kanya, ligaw in my own way.. Kasi nga, mahal ko na siya kahit hindi ko siya makikita araw-araw.
Then here, nag graduate na ako ng college this year lang so I went back to my province. Summer nun, eh SSC officer siya sa school nila so kahit summer may ginagawa sila sa school.. Tapos ako laging bumibisita, may dalang pagkain, mga ganun, tapos tutulungan siya sa ginagawa niya, hahatid siya. Mga galawang ganun.
Then there's this night, kami lang dalawa sa labas ng bahay namin mga 2am na yun, wala ng dumadaan na tao at sasakyan, dun ko siya tinanong kasi nga parang wala lang sa kanya mga ginagawa ko, I asked her "kailan mo ba ako sasagutin?", tapos sagot niya sakin...
"huh? Nanliligaw ka ba?" pabiro pang sinabi.
So sabi ko "pinagluluto kita ng breakfast hinahatid ko sa bahay niyo, hinahatid at sundo kita sa school mo, binibilhan kita ng snacks at lunch mo pag nasa school ka, di kita iniiwan dun, tinutulungan kita sa school reqs mo, ano bang gusto mong ligaw? ". Sabi niya exactly like this "ligaw mo pala yun? *laughs* oo na! *smiles*" then inamin niya na may gusto rin daw siya sakin lately, na kinikilig siya.. Ganun.
Then naging kami ngayon kakacelebrate lang namin ng 6th monthsary nung december 20 kahit sobrang sabaw yung ligawan stage, araw-araw ko naman siya nililigawan ngayong kami na. Every monthsary namin lagi kaming may surprise sa isa't isa, and thank God and in His will, mula nung naging kami, hindi pa kami nag away o nagkasagutan, laging pasweet tampo lang I just can't imagine na yung kalaro ko mula 4 years old ako, crush ko nung grade 1 ako, at best friend ko ay magiging FIRST GIRLFRIEND ko pala
Her name is Caine.. Graduating student ng Political Science my future lawyer.. My first girlfriend, and hopefully my last
JP
BSIT-2014
Faculty of Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles