Sabaw Sa Umaga

19K 365 19
                                    

Sumakay ako ng bus byaheng Las Piñas-QC. Pagkasakay ko nilagay ko muna Biochem book dun sa lalagyanan sa taas ng upuan. So, ayun, ang tagal ng byahe mga 1 hour 45 mins. Pagdating ko ng P. Noval bumaba na ako. Pagbaba ko, "teka bakit parang may kulang?".................................................................................OH F******CK BIOCHEM BOOK KOOOOOOOOO!!!!!!! MAY EXAM PA AKO!!!!!! 
Mabagal panaman yung takbo ng bus kaya hinabol ko pa. Bali tinakbo ko mula PNoval hanngang harap ng Eng Bldg. Pagdating ko sa harap ng Eng Bldg, ayun, bumilis yung bus. Wala na yung buuussss T_T ""Sh*t pano yan, wala pa naman akong notes, kelangan ko talaga yung libro na yuuuuunn!!!!!!"" Then, nagpahinga muna ako kasi nga hingal na hingal ako after 10 mins., nung paglingon ko sa kaliwa ko, may nakita akong taxi na bakante! So ayun, para tapos sakay agad. ""MANONG MAY KELANGAN TAYONG HABULIN NA BUS BILISAN NATIN!!!!!!!"" Nakalagpas na kami ng Welcome wala parin, hindi parin namin makita!!! WTF! Then nung papalapit na kami sa Araneta, nakita na namin yung bus!! ""MANONG, AYUN YUNG BUS, HABULIN MOOOOOO!!!!!!"" Si Manong naman naki cooperate binilisan din nya. Tumigil yung bus, nagbaba ng pasahero. Tapos nung akmang aandar ulit, ""MANONG HARANGAN MO!!!"" Hinarangan naman ni kuya driver. Bigay agad ako ng P100. "KEEP THE CHANGE. SALAMAT!!!!" Alis agad ako ng Taxi. Kinawayan ko agad yung konduktor (kilala na kasi ako ng konduktor, isang bus company lang naman kasi yung may rutang Las Piñas-Fairview QC. Pero dahil kay, alam mo na, wala na sila sa rutang yun. Dun ako lagi sumasakay dati) Pag akyat ko ng bus, yung konduktor tumatawa na, binigay agad sakin yung libro ko.

"ULYANIN HAHAHA!!!"

"Haaayyyy salamat kuya. Sorry sa abala."

"Sige baba kana malate ka na nyan"

"Salamat ulit"

Ayun, sa wakas nakuha ko narin yung libro ko. Tumawid nako. Bumalik ng UST. 

Action Star 
2009 
Faculty of Pharmacy

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon