TATLO..TATLONG SIMPLENG SALITA NA SOBRANG NADUROG AKO
Everything seems to be perfect when we were in high school. And nangako kami sa isa’t isa na walang magbabago pagdating ng college. Suddenly, nag college na kami.. Nawalan na kami ng time and pinaghinalaan niya akong may babae pero wala naman talaga. Puro away nalang. One time she’s asking me for some space and para magbago at maiayos lahat and to be the better version of herself. I gave her what she wanted, but later on.. I noticed na parang may other guy pala na involved.. I asked her pero she said that mag eexplain siya sa personal. Sinabi niya na nadadala lang siya sa other guy. Sobrang sakit sakin nun kababae mong tao.. sa tingin mo valid na reason yung “Nadadala lang ako”? Pero ako eto si tanga, nagbigay ng chance wala eh mahal ko? Pero akala ko babawi siya.. Sinabi niya sakin na nagkakausap pa sila ng ex(iba to sa other guy) niya, pumayag naman ako kasi open minded ako at naniniwala akong alam niya ang limitations niya. Pero iba na yung lagi silang magka “call” ng hindi sinasabi sakin.. at meron pang mutual feelings. Everytime na tinatanong ko siya anong problema, lagi niyang sagot ay WALA. Sobrang durog na durog na ko..At ngayon, parang wala nalang ako sa buhay niya.. Buti pa yung blockmate niyang lalaki.. Luluwas pa siya sa Manila para lang i-birthday isurprise yung lalaki kung san siya “nadala” Pero sakin na boyfriend ni hindi kami makapag date. Girlfriend ko parin siya pero di ko alam kung sa kanya ay may boyfriend parin siya? Yung feeling na I don’t exist? One time, nagtweet siya ng parang ganito “Di ko kailangan ng taong iintindi sakin.. Kailangan ko ng taong kahit di na ako maintindihan ay di parin ako iiwan” Wala akong magawa.. Iniintindi ko siya sa abot ng makakaya ko.. Pero mukha ngang di niya kailangan ng taong iintindi sa kanya. Tinatawag na nga ko ng mga kaibigan kong “Martir”..from the very start of this relationship, I said hindi hindi ko siya iiwan.. Pero ngayon, nasa akin na lahat ng karapatan para iwanan siya.. Mali ba na iwanan ko siya? Mali ba na sarili ko naman ang intindihin ko? Dahil kahit sobrang nasasaktan ako mahal ko parin siya at mas pipiliin ko bang bigyan parin siya ng pagkakataon? Mali ba na magmahal parin ako sa kabila ng lahat?
Tatlo.. TATLO PALA KAMING LALAKI SA BUHAY NIYA..
Freeman
2013
Faculty of Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
No FicciónThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles