Debutant

22.5K 308 19
                                    

Sa totoo lang, naiinggit ako. Naiinggit ako sa mga nakakatanggap ng surprises galing sa friends or bf. Yung isusurprise ka nila sa dorm mo. Or sa classroom may pakulo silang kakantahan ka, bibigyan ka flowers, gagawan kang video, etc. Ilang beses nakong naging part ng ganun. Yun nga lang parte lang ako, bibigay ng short message, eedit ng video, at tagakanta ng "happy birthday". Never pa ako naging center of attention dahil birthday ko.

Magdedebut nako sa May. Lagi kasing bakasyon yung birthday ko kaya diko pa to nattry yung masurprise. Never ko pa nga nakasama mga friends/classmates ko tuwing birthday ko eh. Di naman ako nagcocomplain na family ko lagi ang kasama ko, syempre natutuwa din ako, kaya lang yung experience na friends ang kasama mo sa birthday mo.. gusto ko rin matry yun. Lalo na kung pinag-isipan at pinagplanuhan nila yung surprise para sayo. Para kasing sobrang saya sa feeling ng ganun. Yung meron talaga nag-iisip paano ka nila mapapasaya. Tapos kilig na rin kung andun si crush noh :"">

haha. Ewan. diko rin alam ba't ko to sinusulat ngayon. Siguro kasi dala na rin na wala akong mapagsabihan. Baka kasi pag sinabi ko sa mga classmates ko, gagawin nga nila. Pero ano kaya yun, parang ako din naginitate. Edi parang wala rin. Gets nyo? sorry magulo.

So ayon. Sana talaga maexperience ko rin 'to. Hashtag Tiwala lang. 

P.S. NBSB din kasi ako kaya wala talagang magsusurprise sakin kundi friends ko. at si crush (sana)

Debutant 
2012 
Faculty of Pharmacy

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon