ito ay likha ng isang freshie. hindi ako related. pero yung kaibigan ko, siguro, oo. isa siyang piyesa sana for spoken word. ngunit hindi ko alam ipahayag gamit ang bibig kung kaya't kamay na lang.
Hindi ko alam kung paano ba umpisahan ang isang bagay na hindi pa man nag umpisa ay tinapos mo na.
Na ang mga kasunod na kaganapan ay sadyang parte na lamang ng imahenasyon ng taong makamundo
na ako'y naghihintay sa bawat araw para sabihin mo na mahal kita, matagal na
ngunit wala lang pala ang mga iyon. isa lamang silang bula. mga bula na kaysarap panggigilan. mga bula mula sa laruan ng mga bata na isang ihip lamang ng hininga ay may bula na, at wala pang isang pagpikit ng mata ay wala na. bigla na lang nawala.
parang ikaw, isa kang bula, na mahawakan lamang ng iba ay bumibigay na at nawawala sa aking paningin. matagal tayong nagsama. hindi ko nga maintindihan kung bakit sa lahat nangmagsyota sa mundo, ay pakiramdam ko daig pa natin sila. na may maaaring MAS pa tayo sa kanila. hindi ba? ano? bakit ayaw mo sumang ayon?
hindi ako makahinga. Tuwing niyayakap mo ako tuwing magpapaalam ka. na niyayakap mo ko tuwing papunta ka na roon at papunta na ako doon. Na sabay sabing ingat ka ha at may ngiti pang kasunod. ngiti na parang dumudurog sa atat kong damdamin. ngiti na sumisimbolo sa hindi pwede. ngiti na nagsasabing ""hanggang kaibigan lang. paalam"" ngunit hindi eh! umaasa pa rin ako sa bawat paggalaw ng maliit at malaking kamay ng orasan maisagi sa isip mo na nandito ako. na nandito tayo. na merong tayo. na pwede yung tayo at hindi kami. na astig man sa pandinig, at kayganda man ng boses pero naiirita pa rin ako. naiinis ako sa mga tangna na bro, pre, pards, friend, bruh, gagi, tabs, dude, kuya, pare o kung ano pa amng pinagdugtong na mga salita para sa kaibigan. na hiniling ko sa balon na sana'y hindi na ako ako makarinig ng mga salita mula sayo. mga salita para sa kaibigan. Dahil alam ko at umaasa ako na hindi iyon ang mga salita para sa akin. na sana'y madiskubre mo na din tulad ng mga siyentista ang mga mkatotohanan na bagay tulad ng mga salitang ehem mahal at kung ano ano pang mga bagay na hindi mo alam.
Bobo ka. oo. tama ka ng dinig. dahil, may mga hindi ka alam... na alam ko. na may mga bagay na hindi sakop ng utak mo, pero ako. ako, sakop ko yun. alam ko yun. kaya't laking gulat ko na hindi mo pala alam yung bagay na alam ko. na mas matalino ka naman sa akin ng di hamak. bakit hindi mo yun alam? bakit hindi mo ko tanungin? saglit lang... hindi ko alam kung handa ba akong ibigay sayo ang nag iisang bagay na hindi mo alam pero alam ko. sana handa ako. sana handa akong sabihin sayo na ang mga depinisyon na nabasa mo sa isang makapal na diksyunaryo ay mali! na ang kaibigan ay mag kaiba sa magka- ibigan.
yung lagi tayong magkasama, at may mga makakasalubong tayo na magtatanong ng Kayo ba? gustong isumbat na oo kami nga ngunit mas namuhay ang realidad. ang hapdi na dulot ng realidad ng sabihin nyang, ah kaibigan ko lang. Lang. Lang na lang pala ako ngayon. na ako ang unang mag aalala tuwing may sakit ka. na ako ang unang babati ng good morning sayo. na ikaw lang ang may litrato ng selfie sa telepono ko. na ikaw lang ang kasama kong kumakain sa labas. ikaw lang. at ako lang. kay sarap sigurong marinig ang ikaw lang ng magkasunod. ikaw lang. ikaw lang. at hindi ikaw lang... ako lang. hindi ko maintindihan kung bakit tayo ganito. puro tayo akala. akala. akala. mali pala. puro AKO akala. na nagpapasalamat ako at hindi pa ako patay. dahil sa maling akala.
isa kang paasang nilalang. iyon bang tipo na may sasabihin sa kaibigan, ngunit aayaw, at biglang sasambitin na wala pala. badtrip hindi ba? yung mga paasang tipo ng fast foods sa carpark na sandali lang po maam yung order niyo, ngunit ang sandali ay tila limampung sandali ata ang katumbas. na kapag tatanungin kung nasaan ka na? ang sasabihin ay malapit na, ngunit kaharap pa lang pala ay ang salamin at naglalagay palang ng pulbo sa mukha. oo. ganun ka. patawad kung naiinis ako. na napapamura ako tuwing naaalala ko kung pano mo ako sinasabihan ng mahal kita ng tumatawa. na para bang biro lang ang tingin mo sa isang nilalalang.Kaibigan lang ako. oo alam ko. at huwag ka ng magtatangkang ipamukha sa mukha ko na kaibigan lang ako. dahil alam ko. alam ko. ngayon... alam ko na. na ako ang talo sa ating laro. na sa susunod na maglalaro tayo ng truth or dare kasama ang kaibigan, sa dare ako lagi. kasi gusto ko maprotektahan kahit sa pinakaduwendeng paraan kung ano ang meron tayo. ayos na ako dun basta may TAYO sa pangungusap na pilit bumabaon sa utak ko... at hindi na sa puso ko.
Medyo maka juan miguel pa rin siya pero may puso yan. natural mula sa akin.cookie monster
2019
college of science
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles