Guy at Room 1403

135K 1.7K 765
                                    

Hi everyone.

Gusto ko lang mag-share ng kwentong lovelife ko dito sa UST Files. It's one of the best and weirdest thing that happened to me. Weird kasi... Uhm. mamaya niyo na lang alamin kung bakit weird.
2nd year college na ako nun and I'm from College of Nursing. Graduate na ako ngayon at doctor na.  Siya naman galing College of Rehabilitation Sciences, same building lang kami. At dun sa Med. Cafe ko siya unang nakita, parang canteen ng buong Medicine Building.

One time, tumatakbo ako papuntang Med. Cafe kasi hinahabol ko yung ibang groupmates ko kasi dadating na yung professor namin at kami ang unang reporter, sila, nandun pa sa Med. Cafe at kumakain kaya asar na ako at pagod kasi puyat din ako nung gabi dahil nga sa report na yan. Ang bigat pa nung mga dala kong folder kasi ako ang may dala ng lahat ng reports ng buong grupo at yung ipapasang hard copy sa prof. namin. Sa sobrang pagmamadali ko, nadulas ako sa floor bago ako makapasok ng Med. Cafe dahil laging floor waxed yung sahig, sobrang madulas siya.Medyo madaming nakakita, mga taga-Col. Rehab. Sciences, Nursing at yung ibang Med students. Sobrang nakakahiya! Yumuko na lang ako habang pinupulot yung mga mga nalaglag na report hanggang sa may tumutulong na pala sa'kin. At tama kayo siya nga yun. Pero di tulad ng mga sinasabi nila na love at first sight. Hindi uso yun. Walang lumipad na sparks or whatever. Basta nag-thank you lang ako kasi namumula pa din ako sa sobrang hiya. Dumating na din yung mga ka-grupo ko at tinulungan ako. Bago ako umalis ay nag-thank you ulit ako sa kanya at nag-bow as a sign of respect.
Late na kami at nandun na yung prof. namin, to make the story short, ang nagalit siya at binigyan kami ng minus points. Ang saya di ba?

Kaya badtrip akong umuwi nung gabi yun sa condo unit ko sa may Dapitan. Wala akong napapansin sa paligid ko hanggang sa nasa elevator ako bigla na lang, "Uy bakit nakasimangot ka?" tapos pagtingin ko, siya yun, yung taga-CRS na tumulong sa'kin kanina. Nginitian ko lang siya tapos sabi ko stress lang sa school at sa mga reports. Nginitian lang din niya ako. dun siguro nagsimula na mapansin ko siya, I mean, physically, well-built siya, halatang pumupunta sa gym, naka-salamin siya pero maganda yung ilong niya tapos maputi, mukha siyang half-chinese. Bumaba kami on the same floor tapos magkatabi lang pala unit namin. 1403 ako at 1404 siya. Destiny? Hindi din ako naniniwala diyan. Hindi uso sa'kin ang mga fairy tales na yan. Bagong lipat lang pala sila kaya ngayon ko lang napansin, kasi 2 years na akong nakatira dun sa condo unit ko that time.

Since then, parang araw-araw ko na siyang nakikita, hindi lang sa UST kundi pati sa may lobby at study halls ng tinitirhan naming condo building. Nagngingitian at binabati naman namin ang isa't isa.
Siguro after 1 month na ganun. Niyaya niya ako kung pwede daw kaming kumain minsan sa labas, dinner o kaya minsan breakfast at lunch. Nang-iinvite naman siya in a friendly manner at hindi kami lumalabas na kami lang dalawa. Kadalasan, kasama namin yung iba niyang kaibigan o kaya kaibigan ko. Minsan nag-jojogging din kami tuwing gabi sa UST. Parang naging buddy ko siya nung mga time na yun. Naglalaro din kami minsan ng play station sa unit niya(kasi hindi pa naman uso nun yung PS3). Sobrang saya niya kasama. Di ko napapansin, lagi na palang siya yung hinahanap ko. Umuuwi kasi siya every Friday at bumabalik ng Sunday ng gabi. But since may Saturday classes ako, halos di na ako nakakauwi sa'min, medyo malayo din kasi, sa Laguna pa. Kaya minsan pag wala ako magawa, kahit alam kong wala siya sa unit niya. Kumakatok o nag-do-door bell ako. Muka akong tanga no? hahaha. Siguro ganun kapag namimiss mo yung isang tao. Minsan naman iintayin ko ung tawag niya kapag weekend and Friday nights. Tapos isa-save ko yung mga messages niya tapos babasahin ko lang sa gabi. First time kong makaramdam ng ganito, hanggang sa hindi ko alam MAHAL ko na pala siya. Sa kanya lang ako sumaya ng ganun. Kaya I decided nung bumalik siya bago mag-Paskuhan, sasabihin ko na sa kanya na mahal ko talaga siya.

(non-verbatim)

Siya: Bakit mo nga pala ako pinapunta dito? Para san? (nandito kami sa condo unit ko)
Ako: Uhm.. wala.. ah meron pala. (parang ayoko ng sabihin)
Siya: Ang gulo mo, bakit nga? (Nainis na ata)
Ako: Mahal kita.
Tapos natigilan ako pati siya parang nanlaki yung mata.
Siya: Anong sabi mo?
Ako: Mahal kita. Noon pa, mahal na pala kita. Ewan naguguluhan ako.
Siya: Sigurado ka ba diyan? Kasi ako noon pa, alam ko nang mahal kita.

Parang nagliwanag yung buong mukha ko nung narinig ko sa kanya yun. Tapos niyakap ko lang siya, niyakap niya din ako. Parang ang sarap lang ng feeling. Sobrang sarap.

Ako: Tama ba 'to? PAREHO TAYONG LALAKI?
Siya: Di ko din alam. Basta alam ko mahal kita. End of the story. Okay?

Hinalikan niya ako.

Dun na nagsimula yung pagkakaroon namin ng something, at least ngayon alam ko na na mahal niya din ako. Hindi yung nanghuhula ako dati. Simula nun, lagi na siyang nasa condo ko o ako nasa condo niya. Pinapagluto namin yung isa't isa. May spare key din kami ng room ng isa't isa kaya minsan di ko alam, pumapasok pala siya ng room ko sa madaling araw para lang ipagluto ako ng breakfast. Tapos padadalhan niya ako ng flowers. Sobrang iba ng feeling kasi nasanay ako na ako yung gumagawa nun para sa mga ex ko. Mas lalo ko siyang minahal. Para siya yung naging inspiration ko, kahit sobrang subsob at pagod na ako sa pag-aaral bigla siyang dadating tapos hahawakan niya lang yung kamay ko at yayakapin ako parang wala na lahat ng pagod ko. Di ko alam na sa gaya niya ako makakatagpo ng saya. Yung gusto ng pumutok ng puso ko sa sobrang pagmamahal. Minsan nga dumating siya na basang basa sa ulan tapos naka-uniform pa siya nun. Siyempre pinapasok ko muna sa condo ko. Binigyan ko ng damit ko kasi mas maliit lang naman ako ng konti sa kanya. Tinanong ko kung bakit siya nagpa-ulan tapos sabi niya lang "Wala kasi akong payong e tapos may gustong gusto akong bilhin e malapit na magsarado kaya pinilit ko na lang kahit alam kong mababasa ako." Nakangiti pa ang gago.

"Anu ba yan?" tanong ko.

Tapos pinakita niya sakin yung isang case na nilabas niya galing plastic tapos may laman na dalawang silver necklace.

"Eto sayo" binigay niya yung isang necklace sakin "tapos eto naman sakin, wag mo iwawala yan ha?" Tapos kiniss niya ako sa lips. Yung smack lang. Siguro isa yun sa pinakamasayang moment ng relationship namin. Kahit sobrang simple lang, makikita mo sa mata niya yung pagmamahal. 

Naging kami hanggang sa maka-graduate ako ng Nursing at Med. 8 years na kami nun by that time.

Siya, hindi na siya naka-graduate muna ng PT, kasi na-diagnosed siya ng cancer bago pa kami mag-3rd year anniversary. Isa yun sa pinakamasakit na balita sa buhay ko. Gumuho yung pangarap naming dalawa. Pero sabi ko sa sarili ko, magpapakatatag ako. Kelangan niyang mabuhay, kelangan pa namin magkaroon ng pamilya kahit adoption lang. Magpapakasal pa kami sa ibang bansa. Gabi-gabi pag tulog na siya. Umiiyak lang ako sa sobrang sakit. Di ko nga alam kung pano ko kinaya makatapos ng Med at Nursing habang binabalik-balikan ko siya sa hospital. Alam na ng family namin yung tungkol sa'min at hindi sila tumutol.
Pero kahit anong pilit naming dalawa na lumaban sa sakit niya, namatay din siya two years ago lang, year 2011.

Tandang tanda ko pa yung mga huli niyang sinabi sa'kin: 
"Please. Kung mawala man ako ngayon, mag-move on ka. Ayokong masira ka dahil lang sa'kin. Magmahal ka ulit. Okay? Pwede bang i-promise mo yun?"

Tumango lang ako at sinabi kong "Promise" habang hawak ko yung kamay niya at yung isa kong kamay yung necklace na binigay niya. Parang pag binitiwan ko siya, bigla na lang siyang maglalaho at ayoko nun! Gusto ko habang buhay ko lang siyang hawak. Pero alam ko at kailangan kong tanggapin na hindi siya na sa'kin habang buhay. Nakatulog na siya pero di ko pa din binibitawan yung kamay niya.

Nung nagising ako kinabukasan, wala na siya sa tabi ko. At dun, nagsimula na akong umiyak at magwala sa room niya. Binato ko lahat ng pwedeng ibato, yung dextrose, mga vase at upuan. Kasi alam ko sa moment na yun, wala na talaga siya. Nawala na yung taong sobra kong minahal, yung taong nagparamdam sa'kin ng salitang mahal. Siguro everything has an end nga talaga.
Kapag binabalikan ko yung puntod niya halos araw-araw hanggang ngayon at nagdadala ako ng mga fresh na bulaklak, dalawa lang yung mga nasasabi kong bagay, una "I love you" at ikalawa "Sorry, kasi sa lahat ng pinangako mo, yung huli pa yung hindi ko natupad kasi hanggang ngayon ikaw pa din yung mahal ko.""

-Guy@Rm1403

2002
COLLEGE OF NURSING

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon