November 6, 2014
That was supposed to be my last day here on Earth and I'll never forget such date.
I'm a guy from Engineering. 3rd year na ko dito sa USTe. Ever since bata pa lang ako, galit na ko kay daddy. Hindi kami close. Lagi niya kasing inaaway si mommy and worse is, sinasaktan pa niya. Never akong nagkaroon ng bestfriend pero sobrang dami ko nang natulungan sa mga personal problems ng iba. Not to brag about it, but they say I'm best at listening and advising pero when it comes to my own problems, hindi ako makapag open up. Ewan. I can only offer 10% of my personal life to show to other people. The rest is mine. May mga close friends naman ako kaya lang hindi talaga ako ganun ka open sa tao, except sa ex ko. She was my first and I thought will also be the last. I love her, kahit na more than a year pa lang kami, sobrang dami ko nang na open up sa kanya and I always feel comfortable around her.
On that date, nakipag break siya sa'kin for a cliché reason. Umaga 'yon nung tinawagan niya ko. I was shocked sa mga sinabi niya and I wanted to meet her personally para makapag usap kami nang maayos about it but at her tone, parang matagal na niyang napag isipang makipag break eh. I was crying the whole moment. I love her more than myself. Text ako nang text sa kanya, tawag ako nang tawag but after that call I couldn't reach her anymore. Wala akong magawa. I was planning na puntahan siya sa bahay nila, magbibihis na sana ako nang narinig ko yung sasakyan ni dad. Sa una, akala ko hindi sila, kasi regular day ngayon, gabi ang uwi nila from office at umaga pa lang (iisa lang office ni mommy and dad). I heard the engine stopped. Hindi na muna ako nagbihis at lumabas ng kwarto. Sumilip ako sa baba, sila nga ni mommy...
Nakita kong hawak ni daddy si mommy sa braso at hinihila niya to sa sala sabay hagis sa kanya. Napatumba si mommy, umiiyak siya. Maluha luha pa ko nun galing sa surprise break up ng girlfriend ko. Bumaba ako pati si yaya para awatin sila but even before we could reach mom, sinampal ni daddy si mommy nang pagkalakas lakas. Nagalit ako at hinagis yung flower vase kay daddy. I hurt him, I could tell sa reaksyon niya. Then pumunta si dad sa pwesto ko sabay sapak sa'kin. Malaki ang katawan ni dad at malakas siya. He's an athlete kase. Kahit ako na normal-built ang katawan e hindi nakapalag. Kinaladkad ako ni dad papuntang kwarto sabay lock sa pinto. I was aware na wala yung susi ko sa kwarto kaya hindi ko mabubuksan yon. I tried to open the door, kinakalampag ko na habang sumisigaw ng "dad!" pero I heard his steps pababa, I could hear our maid crying "sir, tama na sir" but the last two things I heard that moment were a sound of a broken glass and a scream from our yaya. Yaya screamed ""ma'am!"" and that made me panic. Hindi ko alam kung ano na ang nagawa ni daddy kay mommy. I kept on shouting inside my room habang pinupukpok ang pinto. Wala na ko sa matinong pag iisip no'n. Nanahimik nang ilang minuto sa bahay until may narinig akong sirena ng ambulansya. Tinignan ko sa bintana, the ambulance stopped in front of our house. The next scene was, buhat buhat ni daddy and yaya si mommy and my mom's head was filled with blood. I got mad after seeing my mom like that, almost losing my sanity. Sinira ko yung pinto ng kwarto and I had a hard time before I could totally destroy it. I went down pero sinarado ang bahay, even the windows were locked. Wala akong magawa, wala ng energy ang katawan ko, nanghihina na ko kakaiyak. Laging gan'to sa bahay but that day was the worst. Para akong nahihilong nawawala sa sarili. The only thing clear to my eyes that time was the little knife in our kitchen.
Nakatahan na ang pag iyak ko nun, mabagal akong naglakad papuntang kusina. Kinuha ko yung kutsilyo, tinutok sa dibdib ko. Nung mga oras na yon, desidido na kong magpakamatay. Wala nang dahilang pumapasok sa isip ko para mabuhay, I wanted the fastest solution. I wanted the easiest way to get rid of the pain. I was about to stab myself nang biglang nag ring yung telephone namin...
Dahan dahan akong pumunta sa sala, umupo sa sofa. Inangat yung phone at sinagot ko.
Me: Hello?
Stranger: Hi! Good day!
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles