Deepest Regrets

2.9K 32 5
                                    

Noong bata ako (mga 5 yrs old lang ako nun), napaka takaw ko. As in. Bukas - sara ng bukas - sara ako ng fridge namin. Until one time dumating yung kaibigan ng pinsan ko (na crush ko rin secret lang natin) sa bahay namin kasi maglalaro daw sila ng gameboy ng pinsan ko. Siyempre ako bata lang kaya nahihiya talaga ako nun. Super shy talaga na nakakairita na kala ko lang e cute. Bigla nalang ako pumunta sa fridge namin at naghanap ng makakain. Hindi ko alam kung anong meron sakin at pumasok nanaman sa isip ko ang pagkain kahit alam ko sa sarili ko that time na gusto ko magkausap kami ng crush ko.

Pagbukas ko ng fridge meron akong nakitang cubes na nakabalot sa foil.

Sabi ko sa sarili ko "ay chocolate to."

Binuksan ko yung chocolate at color brown yung itsura.

Sabi ko sa sarili ko "lampake chocolate naman to e."

Tas kinain ko na.

TAS NAPADURA NALANG AKO SA HARAP NG PINSAN KO AT NG KAIBIGAN NIYA KASI KNORR CUBES PALA YUNG NAKAIN KO ISUSNUAJSIAKSI

SIGURO ANG ENDING NAMIN NG CRUSH KO E NA MAJOR TURN OFF SIYA TALAGA SAKIN PAG NAALALA NIYA YUN KASI MAGKAIBIGAN PARIN SILA NUNG PINSAN KO. PERO K LANG MAG AARAL NALANG AKO.

Ang lesson lang naman dito e pag gusto ka, tahakin mo na. Wag ng padalos dalos o hahayaan mo pa sa sarili mo na ma distract ka ng mga ibang bagay. Kasi baka sa huli magsisi ka lang rin sa mga chances na na-waste mo lang o sa mga chances na hindi mo kinuha.

At please i-keep out of reach niyo sa mga bata ang knorr cubes.

Foodporn palagi
2019
College of Tourism and Hospitality Management


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon