It's my first time to write here hehe. anyway po, my story is about graduate students like me na currently ay nakaka-feel ng confusion sa career nila. Paano po kaya kung tuloy-tuloy yung signs na hindi ka talaga pang-corporate world pero gumraduate ako ng Business course. Wala rin naman akong capital magbusiness pa, at mas gusto ko muna sana magpursue ng law bago iyun. Maybe for others, fulfilling ang work sa corporate, pero ako, no matter how I try, hindi ko talaga magawang maging masaya. So ako, kaysa umiyak ako sa dad ko everytime naiisip ko kung bakit ko pa ito tinutuloy (ang pagwowork) mas pinipili ko na lang maging manhid. Mataas naman ang grades ko at marami din akong orgs, pero sad to say na di ko magawang mag-excel sa work dahil hindi ko lubusang maisapuso. Opo, alam ko na dapat thankful ako dahil alam kong maraming unemployed, alam ko po yun, pero parang nagbibigay din talaga si Lord at ang tadhana ng senyales na baka di talaga ako para rito. Parang emotional cancer na kailangan mong iendure, ang tanging cure ay malaman mo kung ano talagang magpapasaya sa iyo at gawin mo yun. Mas gusto ko po kasi yung may nagagawa akong impact sa buhay ng ibang tao kaysa yung nagcocomputer lang ako all day. I'm not doing this for rants, to tell you guys, ""hirap na hirap na akong pilitin yung sarili ko sa bagay na hindi ko naman masyadong mahal. Opo, thankful ako, pero ang nagpapastay lang sa akin yung sweldo ko. Mas gusto ko ng maging fulfilled sa trabaho ko, yung passionate ako at di ko namamalayan na ang oras ay lumilipas habang ginagawa ko yun. Mas gusto ko maging fulfilled kaysa ang kumita ng pera. Ako lang po kaya yung ganito? or hindi ba normal ito? haha ano po kayang dapat ko gawin? Sa mga sure na po sa profession nila, pano niyo po nalalaman kung iyun na po talaga yung para sa inyo? Nagsoul-search po ba kayo? Gusto kong ibalik yung dating ako, dahil pakiramdam ko, nawala ko yun.
PS: I'm not against my course! I love it so much while studying... but I just think that I'm not really meant for corporate world
Pls pray for me guys too, sana tuluyan ko ng mahanap ang sarili ko. Alam kong walang imposible kay Lord! smile emoticon
Ms. Confused
2010
College of Commerce and Business Administration
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles