Starting Over Again

13.6K 144 3
                                    

We met each other through PE class. Second year, second sem. Basketball. You were from Engineering, I from Science. Dalawa lang kayo ng kaklase mo na magkakilala sa class na yun kaya sumama kayo sa team namin para mabuo yung team. Wala naman kakaiba o nakakakilig sa pagkakakilala natin kasi may BF ako nun tapos may ka-MU ka. Di rin naman tayo masyado nakakapag-usap dahil tahimik ka lang; ang nakakausap mo lang ay yung teammate natin na lalake. At the end of the sem, naging friends tayo sa FB. No big deal.

After two years, incoming 4th year na tayo, graduating na. That was summer before the first sem begins. I was having my internship during summer, so were you. One night, you sent a message thru FB:

You: Hi! Taga Pasig ka rin pala. smile emoticon San ka sa Pasig?
Me: Hello. Sa *******. Ikaw?

Since I was having my internship then, tuwing gabi lang ako nakakaharap sa laptop para mag FB kasi 8am-5pm ung duty ko. So every night lang tayo nakakapag-chat. Nagsimula sa pa-isa-isang message lang every night kasi kinabukasan na mababasa ung reply; hanggang sa nagpapang-abot na tayong online pareho kaya nakakapagchat na tayo real-time.

Ilang weeks din na consistent tayong magka-chat hanggang sa hiningi mo number ko. (Okay, single na kami pareho this time). Binigay ko naman dahil wala naman malisya for me. I know baka sabihin nyo ang landi ko kasi gabi-gabi magkachat tapos walang malisya for me. Pinapakiramdaman ko kasi sya; kung sweet ba sya, kung malambing etc. Pero hindi ko pa sure kung torpe lang sya o natural na sa kanya ung may pagka-malambing kaya I decided na, ahh hindi wala 'to friends lang 'to.

First sem started. Textmates na tayo. Nabawasan ung pagiging chatmates kasi most of the time nasa school tayo. Isang gabi we decided to meet each other. Friday night yun. Galing akong school. Ikaw galing sa OJT mo sa Ortigas area. Nasa byahe na ko pauwi when we decided to meet sa Robinsons Galleria. Pumayag ako since gusto rin naman kita makita, aaminin ko medyo kinikilig na ko sa sitwasyon natin. So nagkita nga tayo, kumain tayo sa McDo then sabay tayo pauwi kasi same lang tayo ng area. Nothing romantic happened. After that night, patuloy pa rin tayo textmates/chatmates. After one month na hindi tayo nagkita ng personal, lumevel-up yung kilig!

We started going home together frequently pero wala namang hatiran na nagaganap. Sabay lang sa LRT then jeep tapos magpa-part ways na. Sa LRT, wagas ang PDA. I mean, kalawit-bewang! Grabe ung kilig ko! Kasi first time ko yung ganung PDA--protective ka sakin in public kahit di naman tayo, tapos physically close sa isa't isa na mukhang tayo! Tapos holding hands sa jeep. First time ko talaga na may ka-PDA ng hindi ko boyfriend. Super kilig talaga! After 2 or 3 months of that habit, nag aminan na. Naging tayo.

Fast forward... more than 2 years na tayo ngayon. Graduate na pareho. Working na pareho. There was an incident na first time kong hindi magparamdam sayo ng isang buong araw dahil stressed/pagod ako tapos di mo napagbigyan yung request ko na makipagkita kahit yakap lang ng 5 seconds. May gimik ka nun with your friends pero dahil nasa same area lang tayo, akala ko mapapagbigyan mo yung 5-second hug na kailangan ko pampaalis ng stress ko sa trabaho. But no.

Since then, naging cold ka na sakin. Sa umpisa, tanggap ko. Medyo naging demanding ako. I understand. Bumawi ako. Sinuyo kita. Nagpakasweet ako all the time kahit alam ko di mo naman marereciprocate. Nararamdaman ko lumalayo ka na emotionally. Pero ayaw mo naman sabihin. Hanggang sa nadagdagan ng nadagdagan ung problema kasi di natin napaguusapan. Everytime ibi-bring up ko yung topic, umiinit ulo mo. Sabi mo hindi mo na binibring-up para hindi tayo mag-away. I think it's your way of coping up, of forgiving. Pero kasi never natin nasolusyunan yun kasi never natin pinag-usapan. That was almost three months ago. Hanggang ngayon, lumalala lang. Wala na yung sweetness; cold na palagi. Hindi ka na nag-a-I love you or I miss you. Pag sinasabi ko sayo yun, ang reply mo ""okay"" o kaya ""i love you too"" pero hindi sincere, hindi genuine. I did everything to make it up to you. I even surprised you sa work area mo just to show you na I'm willing to do everything mapatawad mo lang ako at bumalik ka lang sa dati. Pero kinagalit mo pa lalo. Sabi mo ayaw mo ng surprises, na hindi ko kailangan mag effort, na hayaan lang kita ganyan. Nagdududa na ko kung may third party na, pero kahit saang anggulo ko tignan, wala talaga. Tinatanong kita kung may iba na, sabi mo naman wala. Ilang beses kita kinompronta, nauuwi sa away.

Hindi ko na alam gagawin ko. Naging sweet ako and all, balewala. Sinabayan ko yung pagiging cold mo, balewala. Hindi ko na binibring-up yung issue para di na mag-away, hoping na eventually, ikaw na mismo ang magbabalik ng sweetness at makaka-move on ka sa nangyari. Pero 3 months na. You've gotta be kidding me. What did I do to deserve this treatment from you? Alam mong patay na patay ako sayo kaya ako nagkakaganito. Kahit ang sakit sakit na, nandito pa rin ako. Kahit lahat ng friends ko sinasabi nila hiwalayan na kita kasi obviously, patay na yung relasyon. Pero alam ko mahal mo pa rin ako kahit papaano. Kasi hindi naman ikaw ung tipong magtyatyaga sa isang taong ayaw mo na. Pero nandyan ka pa rin. Kaya lang, hindi mo na pinaparamdam sakin na mahalaga ako tulad ng pagpaparamdam mo sakin nung nag-uumpisa pa lang tayo.

Alam ko madalas ka magbasa dito. Alam mo kung anong gusto ko. Gusto ko lang ng sagot. Kung ayaw mo na, sabihin mo lang. Kung gusto mo pa, iparamdam mo. We can start over again and forget our mistakes in the past. Mahal na mahal pa rin kita kahit ang sakit sakit na....

PS: Alam ko sinabi mo ayaw mo ng drama, last na 'to, kung drama man itong maituturing. 

Double D 
2013 
College of Science

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon