Milyonaryo

3.5K 57 0
                                    

"YOU ARE WORTH A MILLION"

Ayan ang sabi sa amin ng prof ko na hinding hindi ko makakalimutan.

Oo nga naman. Isipin natin kung sino yung nagpalaki sa atin, yung mga magulang natin... dinamitan tayo, pinakain, inalagaan. Ginastusan tayo't lahat lahat, para lang maging maayos tayo. Pinag-aral tayo mula prep, elementary hanggang high school. Ginising tayo sa umaga kahit sila ay inaantok pa. Pinag-iinit ng tubig kahit mahal ang gas. Pinagbasta tayo ng agahan at ng pagkaing babaunin.
Ngayong college, pinagsisikapan nila tayong mapag-aral sa isang magandang unibersidad. Nagbabayad sila ng mahal na tuition fee. Binibigyan tayo ng pamasahe at pambaon, o di kaya'y meron tayong dorm na matutuluyan.

Ngayon, bakit hindi tayo mag-aaral nang mabuti? Bakit tayo magcucutting? Bakit tayo tatamaring pumasok? Bakit hindi tayo mag-aaral kapag may exam, at mangongopya na lang? Bakit late tayo kung magpasa ng requirements? Bakit lagi tayong magccram na lang? Bakit nga tayo magpapabaya samantalang sila ay naghirap para dalhin tayo kung nasaan tayo ngayon?
Tandaan natin, WE ARE WORTH A MILLION. At dalawa lang ang pwede nating iregalo sa kanila, ang maging isang mabuting anak, at ang makapagtapos ng pag-aaral sa tamang oras.

Darating din ang oras na magagawa natin lahat ng gusto natin, yun eh kapag may trabaho na tayo at kumikita na tayo ng sariling pera. Pero, ngayong nasa puder pa rin nila tayo, mag-aral na lang muna tayo, because education is the best investment. Huwag nating sayangin.

Tigress
2013
Commerce


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon