Cheating 2

4.2K 54 3
                                    

1.) Una po humihingi ako ng pasensya sa mga bad words dahil po intense emotion ko nun. Totoo po nagmumura ako pag naiinis pero hindi po ako nangmumura ng individual puro bagay at pangyayari lang. Kung sa tingin niyo po masama pa din yun. OKAY PO. Opinyon niyo yan eh. Pero sana po wag niyo gawing panakip butas yun para aminin ang mali sa sistema. smile emoticon

2.) Kaya po ako nag-succumb sa nakakasukang sistema ay dahil po, tama kayo, takot ako sa isolation. 6 years old po ako umalis ng Pilipinas. Pagkauwi ko po dito nasa dorm lang ako. Wala akong kaibigan kahit isa. Yung parents ko nasa ibang bansa yung kapatid ko rin na high school kasama nila. So opo takot po akong ma-isolate dahil po wala akong kakapitan na kahit pamilya dito. Na-isolate po ako ng isang taon at mahirap po yun. Nagkaroon ako ng anxiety at hanggang ngayon po kahit na ayos na ako eh hina-haunt pa rin ako paminsan ng anxiety na yun.


3.) Obviously, may grading system sa pinag-aralan ko. Ano ba namang tanong yan. Ang punto po eh kung ano bang irereact ng klase at guro sa mababang marka. Sa amin ang mababang marka eh ina-analyze ng teacher. BAKIT BA MABABA ANG GRADES NG ESTUDYANTE NA TO? SA LAHAT BA NG SUBJECT O SA MATH LANG? TAMAD BA SYA O MAY FAMILY PROBLEM? At tinatanong din po ang estudyante. Tapos nun dun kumukuha ng possible solution ang teacher at ang student. Hindi katulad ng nakita ko sa public school dati na pag mababa eh pinapatayo sa harapan ng pader.


4.) Mahina ako sa math. Simula ng tumungtong ako ng high school ako na ang pinakamahina sa math sa amin. Napansin po ito ng teacher ko at napapansin niya rin po na hindi ko natatapos ang quizzes on time. Kaya po isang beses nakiusap siya sa klase kung okay lang ba bigyan ako ng extra 30 mins after dismissal para tapusin ang quiz. Pumayag ang klase. Ganito rin ang ginagawa sa ibang estudyante na mahina sa ibang subject at pumapayag din ako na bigyan sila ng extra time after class mag exam. DAHIL ANG NAHIHIRAPAN DAPAT TINUTULUNGAN AT DAPAT HINDI TAYO NAGIGING MASAYA SA KAHINAAN NG IBA. Oo pwede mong sabihin na ang buhay ay kompetisyon pero ang pag-aaral ay hindi dapat.


5.) Hindi po ako Pinoy na ""kung saan lang nakatapak mapagmalaki na"" dahil po hindi ko po pinili na tumapak kung saan, 'yun po ang ibinigay sa akin ng tadhana. At kung tunay po akong mapagmalaki edi sana po hindi ako sa Pilipinas nag-aral at hindi po ako nagtatagalog ngayon. Ang tunay na mapagpamalaki walang pakialam sa Pilipinas.

6.) Opo meron po akong naiisip na solusyon. Simple lang po 'to at mahina lang na panglaban sa baluktot na sistema. Pero makakatulong ng malaki sigurado ako:


—- Ng minsan pong tinuturuan ko ang pamangkin ko sa high school Physics tinanong ko ""anong hindi mo naiintindihan?"" Sabi niya ""Lahat."" Edi sinolve ko isa isa. Sabi niya hindi niya pa rin maintindihan, sabi ko saan banda? Sabi niya ""di ko maintindihan ang proseso"" at nagtaka ako dahil simpleng pag-transpose, pag divide at pag expand lang naman ang ginawa ko. Sabi niya hindi niya daw gets ang division ng fraction at ang pag-expand at ang madami pang bagay na itinuro noong Grade School siya kaya hindi niya ma-gets ang Physics. Sa tingin ko po at a young age dapat sinisigurado na po ng mga guro na gets ng estudyante ang mga simpleng bagay dahil po ang mga simpleng bagay na yun ang gumagawa ng mga komplikadong bagay. At kapag po ang ""basic"" ay hindi nila gets (as in gets ng lahat) lalo na po siguro ang komplikado. Pano mo sila aasahan mag-solve ng physics problem mag-isa kung nahihirapan sila sa simpleng pag-distribute o pag-expand ng mga numero? Pag po hindi nila gets ang math ng grade 1 magtutuloy tuloy na po yan hanggang college. At mahirap na pong ayusin yun. Isang example lang po yun.—- May isa akong friend sabi niya ayaw na daw niya magbasa ng libro. Hindi niya daw "kay"". Naalala ko po ang sabi ng teacher ko nung grade 2 na DAPAT daw po nagbabasa tayong mga edukado dahil madaming tao sa mundo ang gustong makapagbasa upang matuto pero hindi lahat nabibigyan ng tsansa. Bata pa lang po pinapabasa na kami ng pocket book at every school year meron kaming required na bilang ng libro na gawan ng book review. Makapal, manipis o pambatang libro, walang kaso yun basta MAGBASA KA (hindi po namin dinudugas ang book reviews dahil nga, sabi ko, hindi normal sa amin mandaya). At tinuturuan din po kami ng speed reading at comprehension simula grade 2 at ngayon po ramdam na ramdam ko ang epekto ng pagbabasa ng mabilis at nagegets mo yung nababasa mo. Napakasarap. Pinaka helpful po yun.


7.) Hindi po "spoon feeding" ang punto ng post ko. Ang punto po ng post ko para sa mga guro diyan ay GAWIN NIYO NG MAAYOS ANG TRABAHO NIYO. Anong trabaho yun? Ang siguraduhing natututo ang mga estudyante niyo sa inyo. Narinig ko na yan sa prof eh. Yung walang naka-gets ng tinuro niya tapos ang sabi niya "class ayaw ko kasi kayo i-spoonfeed." hala? Edi sana di nalang kami nagbayad ng teacher. Ituro ng maayos ang nasa lesson plan at siguraduhing gets ng LAHAT dahil LAHAT sila nagbabayad. Period. Matatawag lang po na spoonfeeding ang isang bagay kapag ibinibigay niyo na ang sagot. Pero po yung pagtuturo ng maayos at pagpapaintindi ng lesson sa LAHAT trabaho niyo po yun.

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon