May dalawa akong entry dito na nabasa about sexual abuse during their childhood which greatly affected of what they become right now w/c made me teary-eyed kasi naranasan ko rin yun.
The 1st time it happened when I was around 8-9yrs old sa kalaro ko na lalaki he was a year older,taguan laro nun tapos uso pa sa lugar namin na ang banyo nasa labas dun namin naisipan na magtago na dalwa akala ko normal yung ginagawa niya,he was touching my private parts di ko alam kung san niya natutunan yun tapos wala lang akong kibo di ko alam kung bakit hanggang sa makuntento na siya at hinalikan ako ako basta, tapos lumabas na kami di ako mangiyak ngiyak na ko kasi alam ko mali yun pero di ako nagsumbong yun ang isa sa mga pinagsisihan ko kasi after a couple of years,nangyari ulit sa kapatid naman ng amain ko who was around 13yrs old then. Natutulog ako sa hapon tapos mararamdaman ko na lang na that someone was touching "them" again and he was behind me and his "thing" was poking my hip. Again di ako nagsumbong sa nanay ko,niyayaya pa niya ko magbike angkas ako sa unahan tapos ipaparamdam niya saken "yun" kasi nasa likuran ko siya. Gulong gulo ako nun kung bakit ganun sila hanggang sa magdalaga ako feeling ko nun ang dumi dumi ko na at di na ko virgin But what I am very thankful I didn't grow up as introvert,kalog ako at mapagbiro and active rin sa school kasi pinilit ko na di yun isipin pero pansin ko na nun na ayaw na ayaw ko na hinahawakan ako ng mga classmate kong lalaki pwera sa kuya kasi feel ko safe ako sa kanya. Then college came,and kupal ko naman na amain,I came from a poor family na maliit lang inuupahan na bahay na dahil nagiisa namin na kwarto ay okupado ng kuya ko at gusto rin katabi ng nanay ko sa salas kami natutulog na mga babae. Magigising na lang ako na meron humahawak sa "ibaba" ko tapos pag magigising ako,makikita ko ang p***yu ko na amain na nagtulog tulugan kaya ang gagawin ko hahampasin ko siya ng kung anong mahawakan ko at that time bilang ganti pero di pa rin siya gagalaw ang nanay ko naman magigising at magtatanong pero wala akong sinabi. Dalwa o mahigit pa na nangyari yun kaya laking pasasalamat ko na rin nung nagkaasawa ang kuya at ako na umokupa ng kwarto niya kaya I was always making sure na lagi nakalock pag tutulog ako kahit lagi ako namumura ng nanay ko bakit daw po kelangang ilock. Pero may napansin na ko sa sarili ko na parang hinahanap na yun ng katawan ko for just the mere sight of porn or just reading a sensual book is aleady turning me on kaya di ko sure kung normal sa babae na magmasturbate kaya akala ko nympho na ko pero hindi naman kasi nung nagtry ako magbf para itest ang sarili ko okay pa ko sa holding hands pero nung nagyaya na siya na gawin yun di ko isinuko ang bataan kasi lamang sakin yung takot tapos nagaaral pa ko at that time kaya ayun ang gago iniwan ako pero ok lang kasi nakapagtapos ako.Pero yun epekto feeling ko until now andito pa din kasi ayaw na ayaw ko pa rin ng hinahawakan kahit akbay lang or sa balikat ng mga lalaki kasi naprapraning ako at parang nagpapanic tapos naiinis ako dun sa tao kaya yung maniac sa office na nagpaparamdam saken simula nung tinarayan ko tumigil na ng kakaakbay kasi napika na ko. Pinipilit ko na rin na magpakapagod sa work para pagdating ng gabi di na hahanapin ng katawan ko at magdadasal na lang ako. Laking pasasalamat ko lagi na ginagabayan pa rin niya ako kasi di ako napariwara and until now I am still a virgin kahit I am no longer untouched and I am saving myself for my future husband. I didn't hid myself beneath those terrible experiences parang it made me stronger pa nga kasi wala na basta basta makakalapit saken at naging napakaingat ko na at yun nga lang di na maaalis pagiging paranoid ko. At yung walanghiya kong amain na hindi ko na iniimikan until now nahihiya na rin siguro sa mga pinaggagawa niya kaya din na rin naimik saken at lagi na rin siyang wala sa bahay kasi ako na halos nasagot sa lahat.Di ko alam kung ano mangyayari pag nagkabf ulit ako pero lagi ko ipinagdadasal na sana may tumanggap saken pag nalaman niya. Wala rin ako balak sabihin sa nanay ko at ayoko silang magkagulo at ngayon ko lang to nailalabas lahat kasi wala ako pinagsasabihan kahit bestfriend ko di alam kasi di ko alam kung ano magiging reaksyon nila lalong ayoko kaawaan.
I know mahaba na,ang point ko lang I know I was not brave then para magsumbong kaya nga shinare ko para kung sinuman nakakaranas na iba ay wag matakot na ipaalam sa magulang or teacher or sinuman sa tingin mo ay matutulungan at hindi yung huhusgahan ka pa. Kasi akala ko tapos na pero yung epekto feeling ko habambuhay na. Pero we always have a choice if we will use these bad experiences against us or we would let them mold us to be a better person. Kasi ako I chose the latter.
Lagi lang magdasal,kasi di Ka niya papabayaan,di ko na kinukwestyon kung bakit yun nangyari kasi may pagkakamali din ako at hinayaan ko sila pero maswerte pa rin ako kasi yung iba mas malala pa pero naging matatag rin sila. Not because you were scarred,your worth is less. Tamo ang diamond need pa icut para maging perfect ganun din tayo. smile emoticonEvana Treborn
2011
College of Commerce and Business Administration
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles