Gusto kong pag munihan ang pinaka pinag uusapan nang taong bayan ngayon lalo na nang mga kabataan, ang forever. Meron nga ba nito o wala?
Sa panahon natin ngayon uso ang pagpapa ""extend."" Mga babae papaextend nang buhok, mga boys, sa computer shop ""o ano time ka na, extend ka pa?"" sa bahay, ""ang ikli naman nang cord nang charger, ma! Paabot ang extension dyan sa kwarto!"" Magtetext si 8888 ""Naku, Malapit nang mag expire ang combo 15 mo! Text EXTEND to 8888..."" Simpleng pagpapaliwanag lang na may mga bagay na di natin kayang abutin pero ginagawa parin ang makakaya natin para lang mapagbigyan ang ""id"" natin. Bakit nga ba may pa extend extend pang nalalaman ang mga tao? O ang mas magandang tanong, bakit may salitang ""extend""?
Bata pa lamang ako nasabi ko na sa sarili ko, walang permanente sa buhay natin dito sa lupa. Naging saksi ako sa pag guho at pag tatatag muli nang mga struktura, daan, o kahit relasyon. Ang pinaka matinde ang pagkawala nang isang buhay. Masasabi mo ba sa isang namatayan nang isang may mahal sa buhay na may forever? Gusto mong sumunod dun sa mahal nya sa buhay? Sa kasal, ang pangako nang mag partner sa isa't isa eh "hanggang sa paghiwalayin tayo nang kamatayan."" Tapos sasabihin nang iba ""Oo, mamamatay ang pagiging mag asawa nila but memories will last forever." Yes their memories will last but I think t'will not last forever.
Isipin natin, kung may forever nga, kahit sa mga simpleng bagay lang katulad nang problema, hindi forever na may problema tayo, pera, lalong hindi forever na may pera tayo, yung electric fan natin nasisira, walang paring forever.
Tulad na rin sa pagkakaibigan, nagturingan kayo higit pa bilang magkakapatid, you've done even the craziest things that you didn't expect na magagawa nyo. But time came na pinaghiwa-hiwalay kayo unexpectedly nang panahon. Mahirap pero kailangang tanggapin. Yes, some things might remain but those things will not always be what they seem. Oo, sa mga pinagsasabi ko, malinaw na walang forever sa mortal na buhay naten, ngunit naghihintay ang forever natin doon sa malayong lugar kung saan naroroon ang Diyos. Only God's love will endure forever, lahat lumilipas, naglalaho, nawawala, pero maglaho man, may sisibol na mas maganda at mas kaaya-aya kumpara sa nakalipas."Renz
2013
AB PHILOSOPHY
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles