So here it goes. Meron akong childhood friend. Close ko din sisters. Yung tipong super close at nakikisleep over ako sa kanila dati. Tawagin na lang natin syang ""kups"", short for kupal na naging secret crush ko na ninakawan ako ng kiss sa lips nung mga bata pa kami. 3 yrs older sya saken. Di sya gwapo pero maappeal. Maloko. Ako naman chaka. Maitim. Payatot. Basta pangit.
Medyo ipafast forward ko lang yung kwento. January 2013, nagka gf sya na kapitbahay din namin. Ibang road lang. Hapdi sa heart eh. Kase mga year 2012, august ata, 2nd yr college. Tinanong nya ko kung pwede manligaw. Di ko sineryoso. Sabi ko ""wag ako lokohin nya"". Di sya nagreply after nun. Malay ko ba. Eh kilala ko syang malakas mantrip eh. So ayun nga nagka gf nga sya. Saket men. Pero nagmove on ako kaagad. Nagfocus ako sa studies at buhay manila. Tas sya nagchachat at txt ng random. Hingi ng hingi ng kiss si kups. Inaasar ako lagi kase alam nyang 1st kiss ko sya. Nasegway ng landi. Di ko ineentertain kase nga may jowa si kups. Hanggang sa mawala na communication namin. Nakagrad, nakapasa na ko ng board mga november 2014, uwian na ko ulit sa bahay. Nagkikita na kami madalas pag nalabas ako pag nabili sa tindahan. Ngitian. Batian. Ganon. Year 2015, mga feb ng gabi lumabas ako para magtapon ng basura tas bigla nya kong tinawag. Inalok ako kung gusto ko ng copy ng latest season ng walking dead kase alam nyang fan ako nun. Syempre sabi ko sige. Basta dun ulit nagstart. Nagkatxt kami ulit. Hanggang sa naging sweet sya. Umamin syang super crush nya ko simula nung nagcollege ako. Muka na daw kase kong naliligo. Pumuti kase ako. Gumanda daw. Hot. Ganon adjective ni kups saken. Haha. Hanggang sa segway ng segway ng kiss. Eh nairita na ko. Pinagbigyan ko. One night pumunta sya samen (mag isa lang ako sa bahay at long story kung bakit). Ayun. Torrid. 1st ko na nga sya, tas sya padin 2nd. Pambihira. Hanggang sa di ko namalayan na every night kaming ganon. Momol. Walang sex kase ayoko. Tas booom! Nahulog ako sa kanya. Pinilit kong iwasan pero di ko kaya. Masaya ako eh kahit alam kong may gf sya. Nag iilove youhan na kami. 2 months ganon. Hanggang sa di ko kinaya kase grabe ma yung guilt at selos ko. Kase naman lagi ko silang nakikitang magkasama pag umuuwi ako galing work. Tapos naging madalang yung pagpunta nya samen. Nairita ko. Kaya tinext ko sya sabi ko ang cold nya. Pinapipili ko na sya. Ayaw nya. Di nya daw alam. Ayaw nya ko harapin. Duwag si kups eh. Na kesyo bat daw ako nafall ng sobra sa kanya. Na sinabihan nya ko dati na wag na kong mafall kahit sya nalang. Nagplease pa daw sya sakin. Eh gago pala sya eh! Mapipigilan ko ba feelings ko? Lalo nya kong pinahulog eh. Nagtake advantage sya sakin. Inattached nya maigi sarili sya. Sabay sasabihin nyang di nya ko pinangakuan. Oo hindi naman talaga. Pero fuck kups. Dami mong motibo. Di nya daw intensyong mafall ako sa saktan ako. Pero imposibleng di sya nasiyahan nung malaman nyang mahal ko sya. Tangina lang. Kawawa ako, kawawa gf nya tas sya win win! Kapal ng muka. Matatanggap ko naman kung yun yung pipiliin nya eh. Sino ba naman ako diba. Pero yung sasabihin nyang di nya alam kung sino, tangina lang. Ako daw magdecide kung gusto ko pa ipagpatuloy. Di daw sya makakapangako kung sino pipiliin. Tapos ano? Sa bandang huli ako lang masama?! Tangina talaga. Sorry for the word. Pero have some balls naman. Isang diretsong sagot. Hindi raw sya paasa eh. Lokohin mo lelang mo. Hayup ka. Buti nalang di ko binigay virginity ko sayo kahit gustong gusto mong kunin at kulang na lang sabihin mong deserving ka. Napakakapal eh. Haharapin ko karma ko. Ikaw sige chill ka lang. Walang pake eh. Matapos magbenefit sakin ganon nalang. Walang paramdam. Sige ngayon masaya ka. Ako miserable dahil sa panggagago mo. Hirap man akong magmove on at kalimutan ka pero pipilitin ko. Happiness is the best revenge. Hahayaan ko na lang karma mo na sya gumanti sayo. Wala kang lusot.
P. S: Para dun sa gf nya, sana di sya makatuluyan mo dahil kawawa ka. Nagboyfriend ka ng halimaw.
At para sayo kups, putangina mo! To the hell and back!!!
Sa mga nagbasa, salamat. For those who think I'm a bad person, trust me I know what I did was wrong. Balang araw itatama ko lahat yun.
C.G
2014
BS BA
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles