Ever since first year, loner na ko. Di naman nila ko binubully, pero wala lang pumapansin sakin. Di lang talaga ako makaconnect sa kanila socially. At dahil din siguro na di ako kagandahan. Kaibigan nga wala, boyfriend pa kaya?
Kaya naman sa Filipiana na lang ng library ako tumatambay palagi. Basa lang talaga ako ng basa para ubos-oras. Araw-araw akong ganito sa lib na napansin ako ng pangalanan na lang nating Karol, isang janitor na 21 years old. Di kapogian, pero sino ba ko para magjudge na di naman maganda. Pansin niya daw na mag-isa lang ako palagi sa table. Sinuggest niya na basahin ko daw yung "Eleanor & Park" by Rainbow Rowell. Sa isip ko sinasabi ko, "Wow a, kuya, teenage girl book yun a. Nagbabasa ka ng ganun?" As it turned out, isa pala siyang obsessed reader. Tambay daw siya sa National Book Store, where nagbabasa siya ng books na walang plastic cover. Sa AB daw dapat siya nakaassign na maglinis, pero pinilit niya sa library.
Dun na nagsimula. Araw-araw, lagi kaming nagkukuwentuhan about any genres of books. Classics, romance, young adult, books adapted to films. Nung una, pinagtitinginan kami ng mga tao sa lib kase 'student at janitor magkasama'. Pero I learned not to care cause I enjoy talking to him. Minsan nasa Filipiniana kami, minsan Humanities. Minsan sa Maintennance Room, pero mabilisan lang dun kase kahiya naman mahuli.
Laging sinasabi sakin ni Karol na di niya daw permanent job maging janitor. Pinagmamalaki niya nga na si James Cameron, direktor ng Titanic, ay naging janitor din. Hangang-hanga ako sa confidence at boldness niya.
When he gained my trust, nagkwento na ko sa kanya ng personal matters. Kinwento ko na wala akong friends at walang paki sakin mga magulang ko. Kinonsole niya ko ng mga words that make me special. He always finds a way to make me feel better. Nagquote pa nga siya sakin ng A Rocket to the Moon saying "There's somebody out there looking for you. Someday he'll find you, I swear that it's true".
Nung gabi ng December 17, madaming nakatambay sa lover's lane at nakabukas na ang Christmas lights. Karol did something different, as he always do. Nagsuot siya ng CTHM uniform kasama ako na naka-AB. At nag-ikut-ikot lang kami sa lane like a normal student couple.
Umupo lang kami sa grass where it just felt so good. Pinakinggan nya lang akong magsalita habang tinitingnan niya ko na nakangiti. Ako naman nagpapanggap na di alam na nakatingin siya. Finally, someone thinks I'm attractive. Someone thinks I'm an angel. Someone thinks I'm special. Hiniling ko na sana panghabang-buhay na lang kaming nandun.
RC Janitor Love
2011
Faculty of Arts and Letters
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
NonfiksiThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles