Bestfriend

19.2K 422 46
                                    

ganun pala yung feeling kapag yung bestfriend mo may boyfriend na. 

medyo nakakatampo kasi madalas wala na syang time gumala kasama ako. o kaya maghahangout kami, isasama nya yung boyfriend nya tapos ako parang hangin na lang kasi silang dalawa lang yung nag-uusap tapos ako hindi makarelate. yung tipong ang tagal na nga namin hindi nagkita kasi naging busy kami pareho tapos hindi ko pa sya masolo kahit minsan. natatandaan ko pa nga nung nasa coffee shop kami tumambay malapit sa dorm ni bestfriend, na OP ako! ang sweet sweet nila dun, d na halos mapaghiwalay. then ako ayun, nahighscore ko na lahat ng games sa cellphone ni bestfriend. tapos dati sa fb mo, pictures natin yung mga pinopost mo ang saya saya natin dun, ngayon puro throwback na lang na may caption na ""I miss you"".

alam ko bestfriend lang ako. pero miss na miss na kita. tinatawagan kita sa phone mo pero madalas busy o kaya kelangan mo na i-charge phone mo. madami na akong gustong ikwento sayo pero wala ka atang time. pero ok lang yun! naiintindihan kita. kinikilig ka pa siguro kasi sya ung first boyfriend mo.

PS: pakisabi dyan sa boyfriend mo, kung aayain ka nya ulit magdate, wag nya na ko tawagan para mangutang. leche sya!

Beshieeeee
2013
College of Science

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon