Not from UST but the guy behind my stupidity is from this university.
We were highschool bestfriends until one day, he decided to change it into a deeper matter. Sobrang awkward nung nagtapat siya ng feelings sakin kasi kinukulit ko pa siya that time kung sino ba ung bago niyang crush and bakit ako na lang sa circle of friends namin ang hindi nakakaalam. Sinabi niya na matagal na daw siya may feelings sakin kaso he was afraid because best friends nga kami diba. Tinanong nya ko kung pwede ba manligaw at sabi ko lang sa kanya 'ikaw bahala'. I don't know where that two words came from at bakit ko nasabi un siguro wala na lang talaga ko marespond that time kasi medyo naguguluhan pa ko sa nangyayari.
SOBRANG NAKAKAPANIBAGO.
Ung best friend mo na dati binabatukan ka lang pag may corny kang joke ngayon siya na # 1 fan ko na tatawa sa mga nonsense jokes ko.
Ung best friend mo na dati makikipagcompete sa results ng quiz at tatawanan pag siya ung mas mataas ngayon biglang sasabihin ""Uy congrats!"" o kaya naman ""bawi na lang next time"".
Ung best friend mo na hanggang gate lang ng campus ka ihahatid minsan pa nga hindi mo na namanalayan na umalis na pala, ngayon hanggang bahay ka na ihahatid.
Ung best friend mo na pagpasok mo pa lang room lalaitin ka na tapos ngayon pambungad na niya na ""ang ganda mo kahit ang messy ng hair mo""Hindi ako sanay na sweet siya, SOBRANG NAILANG AKO to the point na tinataguan ko na siya pag gusto niya ko ihatid sa bahay. o kaya naman sasama ko sa mga girl best friends ko at hindi ko hahayaan na mag isa lang ako para hindi niya ko malapitan.
I thought na forever awkward na ko sa kanya.. but things changed and the feelings became mutual. Nagiging slow mo na paligid ko pag nakikita ko siya. Sobrang pogi pala talaga ng best friend ko kaya campus crush siya. Hindi lang yan, matalino pa siya and sobrang matured mag-isip. Mabait, undertanding. lahat na ata nasa kanya.
(FAST FORWARD)
Naging kami after graduation and akala namin hindi kami mahirapan pag dating sa communication kasi parehas lang nasa Manila school namin. BUT HINDI PALA. Once a week lang kami magkita because conflict ung sched namin parehas and minsan pag may exam hindi pa kami nagkikita. Lagi siya ung nagsasabi sakin na ""Kaya natin to"" and ""Wag kang mapapagod sakin ha?""
Sobrang understanding niya sa lahat ng bagay and sa loob ng 2-3 hours na magkasama kami sulit na sulit naman kasi wala kaming dull moments.PERO WHAT THE FUCK bandang 10 months namin bigla nagbago. I mean naiintindihan ko ung reason niya kung bakit hindi na siya makapagbigay ng time kasi busy nga kami parehas. Engineering course niya ako naman nasa pre-med course. Bigla na siyang naging cold. Pag bibisita siya sa condo mas gusto pa niya matulog or makipag usap sa mga kasama ko don. tapos napakatime conscious niya abe tang ina kadadating lang niya sinasabi na niya kung hanggang anong oras lang siya. Pero lagi niya sinasabi na pagod lang daw siya kaya ganon attitude niya, Naiintindihan ko naman kasi may family problem din siyang pinagdadaanan that time. Ako naman ang nagsasabi sa kanya na kahit ano mangyari walang bibitiw. Ako na gumagawa ng paraan para magkita kami. Ako na usually nageeffort..
1 week before anniversary namin nakipagbreak siya, Napagkaunaccepatable nung reason niya. Sabi niya I deserved someone better than him. Hindi niya kaya na ako ung nageeffort. Ayaw na daw niya ko makitang nahihirapan. TANGINA TALAGA. Tigil tigilan mo ko sa 'You deserved someone better' KASI KAHIT IKAW NA PINAKAWORSE SA LAHAT EH UNG TANGA KONG PUSO IKAW ANG GUSTONG GUSTO
Pag lalaki talaga nakipagbreak wala ng bawian. Ako 2x nakipagbreak sakanya pero bumabalik din kasi hindi ko siya matiis pag nanghihingi pa siya ng chance. And he believed na hindi solution ang break up sa mga misunderstandings. Siya palagi nagsasabi non. Pero nung nanghingi ako ng chance nareject pa ko 2x. Sobrang sakit. Sobra sobra.
2 years na kaming wala pero ung sakit buhay na buhay pa din. Hindi ko maopen ung sarili ko sa iba kasi putangina siya lang gusto ko. Siya lang mahal ko. Akala ko boyfriend lang nawala sakin pero pati bestfriend din, Iniwan niya ko ng walang wala. Iniwan niya ko kung kelan mahal na mahal ko na siya. Iniwan niya ko kasama ng mga broken promises niya, sobrang sakit, Sabi nila pag after break up may '3 month rule"" pero tangina kahit 5 month rule pa yan o 1 year rule kung mahal na mahal mo talaga siya wala yan e. katangahan right? Ang deep na nga ng course ko e sumobrahan naman ng deep ung feelings at katangahan ko sakanya. Pero kasi sobrang comfortable namin sa isa't isa at bihira na un. mahirap ibuild up ung pagiging comfortable mo sa isang tao and it will take a long process. Ilang beses ko na minomotivate ung sarili ko na kalimutan siya at magpakadalubhasa na lang kasi graduating na and gusto ko magmed and grumaduate with Latin honor. Pero at the end of the day, after ko magpakstress sa mga bacteria and parasites, bigla bigla na lang siyang susulpot sa isip ko, Sabi nila totoong pagmamahal daw nararamdaman mo na kahit hindi mo siya nakikita ng matagal e feel na feel mo pa din siya. bakit kasi hindi ko siya makalimutan? Akala ko makakamove on na ko pag dinelete ko lahat ng pictures namin pag tinanggal ko lahat ng nagpapaalala na bagay samin pag inunfriend or inunfollow ko siya. PERO HINDI E. Pag nakakakita ko ng uniform ng Eng na taga UST siya naiisip ko. Naaalala ko siya sa lahat ng bagay. Kahit ang tagal nanamin wala alam na alam ko pa din boses niya and hindi ko pa din nakakalimutan ung maamo niyang mukha. Lagi ko pinagppray na sana lagi siya masaya. AT AYUN MASAYA NA NGA SIYA. May nalilink na sakanya at gustong gusto siya nung girl. Ang sakit. Ung huling pagkikita namin ang saya saya ng mukha niya, Ung mukhang un na miss na miss ko na ng sobra. Ung smile niya at tawa niya na dati lagi ko nakikita and ako reason ngayon hindi na. Wala akong sama ng loob sa kanya. Kasi kahit napakaunacceptable ng reason niya, palagi ko pa din siya iniintindi. kahit sobrang sakit sa part ko hinayaan ko na siya, sapat na ung 2x na rejection. tama na. and ngayon tanggap ko na na wala na. pero hindi ibig sabhin na pag naaccept mo na nawala na e magstop ka pa din na mahalin siya. SOBRANG TANGA RIGHT? Ewan ko ba kung san ko nahuhugot ang katangahang to. Pero mahal ko na lang naman siya e. Hindi ko na naman pinapakita sakanya un. Sadyang mahal ko na lang talaga siya. I'd stop chasing him because I wanna give myself some respect naman. And pinapasaDiyos ko na lang lahat. ""Kung kami ade kami. Kung hindi ade hindi.' Mga salitang madali maintindihan pero mahirap isabuhay lalo kung kabaligtaran ang resulta ng mga bagay na sobra mong inaasahan.
Minsan hindi naman masama maging tanga sa pagmamahal kasi hindi tunay yang pagmamahal na yan kung hindi ka naging tanga, Pero wag mo naman panindigan ung pagiging tanga. Kasi katulad ng relasyon, hindi permanente kung baga hindi forever. Kaya sana temporary lang ang katangahan ha. Wag pipilitin magmove on kung ayaw mo naman talaga kasi hindi yan magwowork. hayaan mo na lang na lamunin ka ng sakit sa una at pag manhid na manhid ka na tsaka mo siya kalimutan.
Sana palagi kang masaya. Sa ngayon hindi ko pa matatanggap friendship na gusto mo. kasi ayoko lumubos ang pagiging tanga ko sayo. kaya this time.. Ako naman. Iisipin ko na sarili ko. I know I can't forget you but I know I can be happy without you.
FEUture MD
2016
Arts and Sciences
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles