Ang puting pakpak, lumilipad
Ang puting pakpak, saan napadpad?
Nauubos, napupuno, napupuno ang talaan
Ang dami-dami ng mga pangalan
"Matapos akong mahulog,
Puso ko'y unti-unting nadurog
Ang akala ko noon SIYA NA
NASAAN na ang FOREVER niya?"
Bakit kasi nagmamadali?
Forever na agad ang hinihingi
Ate, aral-aral din muna
Para naman magulang mo'y matuwa
Napapano, anong nangyayari?
Napapano, ang daming humihingi?
Napakadaming kabataan
Ang naghahanap ng kasintahan
Nakakapagod, nakakagago
Nakakapagod, nakakaloko
Hindi ako Diyos, 'di rin ako santo
Ako'y munti, ako lang si Kupido
"Kupido, naghihintay ako
Bakit ang tagal ng Soulmate ko?
Hindi ko kayang mag-antay
Hanggang sa dulo ng habang buhay"
Tignan mo nga naman ang isang ito
Atat na atat na makuha ang gusto
Pag-ibig na agad ang inaatupag
Sa pag-aaral ay walang kasipag-sipag
Love, Pag-ibig, Romance, LOVE ulit
Trabaho ko'y nakakasawa dahil paulit-ulit
May mga kabataang nadadapa sa maling akala
Sa pagmamadali, ayan tuloy, nadidisgrasya!
Sandata ko'y nagsisilbing instrumento
Gamit ang aking gintong palaso,
Matatamaan ang puso mo,
Sa isang pitik ng panang hawak ko
Ako'y munti, ako si Kupido, laging nilalapitan
Ng mga naghahangad ng pag-ibig na pangmatagalan
Pero sana'y subukan akong intindihin
Si munting Kupido ay napapagod din
Sa palaging pagptik ng aking mga daliri sa pana
Pakapal ng pakapal ang balat na sawa na
Tanggap ko, ito ang aking tadhana,
wala na akong magagawa
Tignan mong mabuti ang aking mga kamay
Sa pagitan ng mga daliri ay balat na namamatay
Ang balat na 'yan ay KALYO kung tawagin
Iyong ipagpaumanhin, ako'y nasusugatan din
Hiling ko lang ay wag magmadali
Ang mga kabataang "sparks" ang hinihingi
Paniwalaan mo ako, darating ang pagkakataon
Ako mismo ang magtatagpo sainyo, sa tamang panahon
Sana'y patawarin niyo ako
Dahil minsan ay nagrereklamo
Magkakalyo man ako ng paulit-ulit
Basta may napapasaya, pagod ko'y nasusulit
Ang puting pakpak, lumilipad
Ang puting pakpak, saan napadpad?
Tandaan na ako'y laging nasa serbisyo
Hanggang sa muli, ako si munting Kupido
My-screen-doesn't-have-a-name
2014
Faculty of Arts and Letters
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles