Masarap magkaroon ng girlfriend. Pero mas masarap gumraduate muna. Nung 2nd year highschool ako, nagkaroon ako ng gf pero nagbreak kami ng 2nd year college. Devastating syempre dahil 1st gf ko yun at ang tagal na namin pero wala eh ganun talaga kapag karelasyon mo niloloko ka na lang. After nun hindi na ko nanligaw ulit.
Sabi ko sa sarili ko:
"gagraduate muna ako bago ako manligaw ulit."Nagkakaroon din ako ng crush pero di ko nililigawan. Ginagawa ko lang motivation at inspiration yung 'mga' babaeng yun. (Kahit may boypren. Crush lang naman eh.)
3 years passed and poof, graduate na ko at eto, nagrereview na lang kami para sa board exam. Konti na lang engineer na ako. Mapapakita ko sa ex ko na nanloko sakin na chuful yung pinang tinwo-time nya sakin. Na kariton lang yung pinamalit nya sa lamborghini nya.
Teka, Bakit ko ba pinost to? Ahh oo. Para sabihin sa lahat ng estudyante(pati yung mga grade 6 lovers) na:
1.hindi nyo ikamamatay ang pagiging single sa college. Unahin muna ang diploma bago lumandi. Ang bagay na hindi iniisip, kusa na lang dadating sa buhay yan. It will come when you least expect it ika nga nila. Darating din yun satin. Wait ka lang. smile emoticon
2. Success is the best revenge. Wag na maging bitter. Pakita mo na lang sakanya kung ano yung sinayang nya.
3. Masaya sa college. Make the most out of it. Study hard. Party harder.
eip
2010
Faculty of Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles