Last Woman Standing

3.8K 65 1
                                    


sa group namin na magkakaibigan, ako na lang single. Ako laging taga-advice kapag may mga problema sila plus the fact na Fangirl ako kaya wala ako pake sa mga boys. I mean yes nagbo-boy hunt ako palagi, tumatambay ako lagi sa tapat ng building ng engineering. Pero hanggang tingin tingin lang.

Yung kaibigan kong si M tsaka S, sobrang tagal na nila. Taga-ust silang dalawa. Mga 5 years na sila. Parehas na silang graduating next year.

So yesterday M texted me, sabi niya magkita daw kami sa kfc. Since break time ko naman pumunta ako. Pagkadating ko sa kfc nandun na agad siya. Pagkaupo ko tinanong ko siya kung bakit ofcourse, ang Sabi niya mag-ppropose na daw siya kay S. Sobrang natuwa ako sa sinabi niya. At nagpatulong siya sakin mag-plano kung paano (im like the party organizer in our group) so ayun sabi ko candles tapos table. Sabi ko sakaniya basta ako na bahala mag-ayos sa condo niya. Binigay nya yung keys sakin. Well syempre binigyan niya din ako pera, lol ano siya. Pagkatapos ko bumili dumiretso na ako sa condo niya. Tinext ko si M na nagaayos nako. Sabi ko mga after 2 hours pwede na.

Inayos ko na yung table tapos mga candles stuff sa dining area. Nagluto rin ako. Tapos flowers. Maaga ako natapos sa pagaayos. Umupo ako sa sala tapos tinignan ko yung inayos ko.

Tsaka ako napaisip. Sobrang saya ko sa pagtulog sa mga relationship problems ng mga kaibigan ko, nakalimutan ko ng maghanap ng ka-in a relationship.



Ang babaeng napagiwanan

2016

College of Education

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon