Parang dati lang nung naka tabi kita sa mini garden sa school inis na inis ako sayo sa di malamang dahilan, pero simula nung nakita kita sa McDonalds nung June 19, 2014 biglang nag bago yun, tae! Na love at 2nd sight ako sayo! HAHAHA Yeah, I know ang weird! Ang weird isipin na yung lalaking kinainisan ko nung una kong makita at maka tabi ay gusto ko na hanggang ngayon! Ugh! Ewan ko ba, pero alam mo ba simula nung araw na yon hindi kana nawala sa isip ko? Umabot pa nga sa point na lahat ginawa ko mapansin mo lang ako. Yup ako ang unang gumawa ng move para makapag usap kame, hiningi ko yung # nya dun sa friend nya, desperada ba? HAHAHA I know dudes! But I don't care! I like him eh. Tska ako kasi ung tao na go sabihin mo ang nararamdaman mo! Kesa naman pag sisihan pagdating ng panahon,ayaw ko kasi mag karoon ng What if's balang araw.
Dumating yung point na naging close na kame, syempre FC ako sa kanya e, kahit na ramdam ko na naiinis na sya.
Tapos naging close naren sila ng friends ko, at nagka gusto sya sa friend ko, saket ba? Naman! HAHAHA, nagalit nga ako nun sa friend ko e, di nya kase agad sinabi saken, e sya pamandin ang lagi kong pinagsasabihan tungkol dun, pero wala akong magagawa classmates kase sila e, lagi silang magka sama sa room.Lumipas ang ilang months nag confess ako sa kanya, yup! Nag confess AKO! Oo di ko dapat yun ginawa kase I'm a girl, but I like him so much, ayun nung nakapag confess nako syempre na Tropa Zoned, </3 Tae! Ang saket! Iyak lang ako ng iyak nun sa kwarto! Corny e! Pero pumayag na rin ako kahit friends lang, at least diba? Kesa naman sa wala.
Ang dami kong nabalitaan tungkol sa kanya, sabi nila angdami daw niyang nililigawan, sabay sabay, sexy at magaganda, naisip ko tuloy kung bakit ako na tropa zoned, mataba nga pala ako, hindi nga pala ako maganda..
Pero isang gabi, I don't know kung anong nangyari, baka na busted sya, nag chat sya saken, tinanong nya ako kung gusto ko ba daw sya talaga, edi sumagot ako ng oo, tas sabi nya kame na daw. Ewan ko ba, hindi ako maka tanggi, siguro dahil ganon ko na sya ka love? Dahil kahit sa mommy ko sina sabi ko na gusto ko sya. So ayun nga, naging kame, malandi ba kong masasabi kung wala manlang ligawan na nangyari? Sorry kung ganon, pero love ko sya e, oo ganon ko sya ka love kahit na nag mumukha akong tanga at easy to get. So ayun nga, lagi ko sya tinetext na mag ingat, kumain at mahal na mahal ko sya, nag rereply nmn sya e, sinabihan nya rin ako ng iloveyou so umasa ako na totoo na yung relationship namen. Pero nung isang beses nalaman ko nlng sa mga kaibigan ko na sinabi daw niya na TRIP nya lang daw ako at ako daw ang nangligaw sa kanya. Shoot! Ang saket! Akala ko totoo na! Akala ko love nya na rin ako! Akala ko kami tlga for real! Pero wala pang 1 buwan sinabi nya sa friends ko na TRIP nya lang ako! Shoot lang tlga! Oo nagalit ako sa kanya, umiyak, nasaktan, pero bakit ganon? Isang sorry nya lang nawalang lahat ng galit ko? Bakit isang sorry nya lang tanga na naman ako?
Maraming months ang lumipas, lagi ko parin syang kinukulit, lagi ko syang tinetext at kinokumusta, pero napaka dalang nyang mag reply
Kinakausap ko rin sya sa personal, okay naman, kaso lagi lang naka poker face, minsan nmn na ngiti, pero ang sakit lang, ang sakit lang isipin na hindi nya ako magawang mahalin tae!Lumipas na ang 1 taon simula nung makita ko sya sa McDo, pero still gusto ko parin sya, oo nagka crush ako dun sa Bestfriend ko, pero saglit lng yun e, dahil napatunayan ko na sya parin pala talaga ung gusto ko hanggang ngayon, at napatunayan ko yun nitong July 8, pinag dasal ko tlga na makita sya ulit, at sakto! Nakita ko sya ulit! Thanks Jah! Nakita ko ulit sya sa McDo! Grabe nanginginig ako nun! Ang bilis ng heartbeat ko! Nahihirapan akong huminga! Lalo na nung nakita nya ako at pasimpleng kumaway! Shoot! Dko mapigilang ngumiti! Tapos nung nka upo na kame ni ate at nakain na hindi ko mapigilang hindi sundan ang bawat galaw nya, (Service crew kasi sya doon sa McDo) lalo kong napatunayan na sya parin pala talaga, sa kabila ng lahat lahat, kahit na pinagtripan nya ako, kahit na nag mukha akong tanga sa kanya, kahit na pinaasa nya ako, at kahit na imposible syang magka gusto sakin, sya parin talaga..
Nag usap din kame ng saglit nun nung umalis si ate dahil umoorder ng pang take out. Sobrang sarap lang sa feeling na narinig ko ulit ung boses nya, at makita ulit sya ng harapan.
No matter what happened before, sya parin talaga, sya parin talaga ang McDo ko. Sya parin talaga ang Love Ko.Isha
2015-2016
College of Education
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
NonfiksiThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles