Piso

9.9K 158 5
                                    

I was in a bad mood yesterday dahil di ako nakasagot sa recit and pinahiya ako ng prof ko, kaya di ako muna sumama sa mga tropa ko na mag happy T. So ayun, naglalakad na ko papuntang gate when I saw this girl na nakaupo sa may pav. Nagtetext sya at mukang galit, di ko sure. Baka ganun lang talaga face niya mukhang mataray and hard to approach. Pero ang ganda nya. Bumili ako ng pagkain na kakainin ko sana sa dorm, pero naisip kong magpapansin kaya umupo ako sa pav kung san sya nakatambay.

NV
Me: (nagpaparinig lang and i didnt tell it directly to her na nakaharap sakanya pero obvious naman dahil sya lang tao dun haha) ""paupo po ah.""

She didnt respond. Haha. Papansin move # 1 failed. Ok so ang next na ginawa ko kumain, habang tinitingnan sya. Di sya tumitigil sa kakatext. Binabagalan kong kumain. Kasi nga gusto ko dumamoves. Eh kahit na gaganto ganto ako, nagbabasa din ako dito sa ust files, ung kapatid ko kasi nagpasa na dito at bumenta yung kwento ng buhay nya dahil sobra yun na hopeless romantic. Kaya naisip ko na subukang gumawa ng way para may makasparks. Haha. Magvavalentines pa naman.

So malapit na ko matapos kumain. Wala padin nangyayari. Text padin sya ng text. Isip ako ng isip pano ko sya iaapproach eh. Ang busy kasi kakatext. Kaya may naisip ako. Nagkunyari akong naubusan ng load.

NV
Me: excuse me ate, globe ka ba?
Her: hindi. Sun. 
Me: ay sorry. Papa share a load sana ako ng piso,nagtext kasi mama ko. 
Her: itext mo nalang dito oh?
Me: ahh hindi na, sabi ko kasi nasa kwarto na ko, malalaman pa na nagsinungaling ako. Thank you nalang. smile emoticon

Then she smiled. Haha. Napaka korni ko what the heck. Pero wait, there's more

Her: may globe ako pero di ko sure kung may load pa. Check ko. Lowbatt na nga ata. 
Me: wag na ate. Ok lang. Papaload nalang ako sa labas. 
Her: eto meron pa. Number mo? Piso lang ba? (Smiles)
Me: oo. Nakakahiya. Libre nalang kita coffee?
Her: piso lang eh. Haha.

Then her phone rang, she answered "oh? San ka na ba? Dito lang ako sa pav." After a while, may dumating na 2 girls then umalis na siya. She just nodded before she left, at nagthank you ako.

Alam ko na ang number nya sa globe. Haha. Pero tinatry kong tawagan, laging cannot be reached eh. Hanggang ngayon. Sa moment na pinapasa ko to sayo admin. Haha. So ate feeling ko lowbatt pa yang globe mo, please icharge mo na oh? Gusto ko lang magthank you sa pagpasa mo. At gusto ko din totohanin yung paglibre ko sayo ng coffee. Kung ok lang sayo smile emoticon atsaka one more question pa sana , may ka-date ka na ba sa 14?smile emoticon

BoyPasaLoad 
2013 
Faculty of Arts and Letters

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon