Bad Blood

3.9K 62 4
                                    

Ako: Pa, malabo na po mata ko. Kailangan ko na po ata magpachek-up.

Papa: Ano?! Eh, wala tayong pera ngayon. Sa susunod na. Yan kasi computer ng computer, cellphone ng cellphone. Bitawan mo na mga yan at nakakasira sa mata mo.

Ako: ....

[A few days after]

Kapatid: Pa, tinuruan ako mag basketball ni Kuya Ace.

Papa: Ayos 'yan, 'nak.

Kapatid: Papa, gusto ko ng bola sa Basketball.

Papa: Bukas. Bibili tayo.

[Kinabukasan, binilhan ni Papa ng bola kapatid ko. Di ko maalala ano tawag sa brand nun basta alam kong mamahalin yun. Kasama na yung medyas na pang basketball na alam kong mahal talaga. Original pa]

(At madami pang iba....)

Hindi naman sa narereklamo ako sa mga 'naibigay' niyo na sakin. Pero kasi yung mga hinihingi ko po sa inyo hindi naman ganun ka mahal eh? Pero bat ganun? Akala ko ba pantay pagmamahal niyo? Akala ko ba patas lang kami? Bat parang di ko madama na kasama pala ako sa pamilyang 'to? Bat parang 'yung bunso niyong anak na lang parati? Paano ako? Extra na naman ba ako sa story niyo? Wala na ba talagang matitira sakin? Isa ba akong pagkakamali sa inyo? Kaya ba binuhay niyo ko kasi takot kayo sa Diyos? Takot kayong magpaabort? Takot kayong may masabi ang ibang tao sa inyo? Bat sakin madaming bawal tas sa kanya hindi? Bat pag may kasalanan siya sakin niyo pa din sinisisi? Kasi panganay ako? Masama na ba akong anak? Masama ba na hingin ng konti oras niyo? Na sana ako naman? Masama ba maging selfish kahit saglit? Lahat naman ng gusto niyo eh sinunod ko, simula Kindergarten, Grade School, High School, pati na ngayon na College na kami. Bago ako magtapos ng High school sabi niyo gusto niyo mag Med-Tech, PT, Nursing, Doctor o Mag-Pharma ako para malaki yung sahod ko tas sa ibang bansa ako makapagtrabaho (gusto ko rin yun, para malayo sa inyo). Ngayon ko lang kayo di sinunod, mas sinunod ko puso ko kaya nag Psychology ako, tinanong niyo ako kung bakit ang sabi ko lang ""Kasi gusto ko tulungan si ****, para maka-alis na ng Rehab, ako gagamot sa kanya pag naging doctor na ako."" Sumangayon kayo, pero ang totoo niyan kinuha ko ang kursong 'to kasi gusto kong malaman kung bat kayo ganyan alam ko po napakababaw ng gusto ko. Alam ko pong nagmumukha na akong tanga. Wala sa mga kaibigan ko ang nakakaalam ng mga nararamdam ko, ultimo Bestfriend ko di ko sinabihan nito. Nag simula ako mag-rebelde ng paunti-unti, gabi na minsan umuwi sa bahay tas pag tinanong sasabihin ko may ginawang project sa school pero ang totoo tumatambay lang ako sa Canteen ng school o kaya sa mga bakanteng classroom, dinadamay ko na mga kaibigan ko, galit na din ata mga magulang nila sakin. Di na ako pala-aral gaya ng dati, nawawalan ako ng gana sa inyo eh. Wala kong bisyo, di ko kailangan yun, mahal ko buhay ko, ayoko sirain buhay ko, pero minsan naiisip ko, 'dapat ko ba talagang mahalin buhay ko?'. Nagsimula na din akong sagutin kayo, na di ko magawa dati, nagalit kayo sakin ang sabi niyo pa nga eh ""Ganyan na lang ba ngayon?! Matapos namin ibigay lahat ng kailangan at gusto mo, gaganituhin mo na kami ng Mama mo?!"" Haha. Naalala ko pa mukha mo nun, galit na galit ka sakin, yun tipong parang nakapatay ako ng Limang tao nung gabing yun. Gusto sana kitang sagutin ulit nun, kaso pinigilan na ako ng kapatid ni Mama, gusto sana kitang sigawan ng ""Gusto ko?! O baka naman GUSTO NIYO?! Kailan ba ako nasunod sa mga GUSTO KO?! GUSTO niyo lang naman mabayaran ko kayo sa mga 'naibigay/naigastos' niyo sakin eh! Wag kayong magaalala pagtapos kong mag-college babayaran ko kayo"" kaso hindi eh, nagpapigil ako. Asan si Mama? Ayun, sabay nila akong sinisigawan. Haha! Pota ang saya! Pag ako nagpaalam umalis ayaw, di pwede. Pag bunso niyo sige lang kahit na gabihin ka pa. Ano yun? Biased kayo? San pantay dun? Haha! Kasinungalingan! Minsan nagtanong kaibigan niyo kung ilan anak nyo sabi ko ""Isa lang po, yung naka black po na naka sandal sa motor."" Nagulat siya nun pero hinayaan ko na lang tatanungin pa niya sana ako kaso umalis na agad ako. Bitter ko ba? Hahaha! Leche masakit! Di niyo ba madama ang sakit? Kaya kayo iniiwan ng mga tao eh! Kasi manhid kayo! Ninakawan kayo ng trabahante niyo, gago man isipin pero natawa ako nun sabi ko pa nga ""Ang bilis naman ng karma."" Sakit ba? Masakit bang matraydor? Namanhid na ata ako dahil sa inyo eh. Ayokong sisihin kayo (kasi ayokong matulad sa inyo) pero wala eh, may 'Trust Issues' na ako sa lahat ng taong nakapaligid sakin. Tangina! Ang hirap magtiwala lalo na kung yung pinagkakatiwalaan mo yun pa unang magtratraydor sayo. Shit dude! Masakit. Konting di lang pagsabi ng mga kaibigan ko na mauuna na silang kumain feeling ko tinatraydor na nila ako. Haha! Ang babaw ko. Lumalala na ata ako, baka ako na ngayon kailangan ng tulong ng nga Psychiatrist? Nababaliw na ata ako dahil sa inyo. Hindi pa naman ako Suicidal type na tao, good thing tho. Hindi naman sa sinisiraan ko ang pamilya ko o ano pa man. Pero kasi ang hirap eh, ang hirap umasa kasi alam kong wala akong panama sa anak niyo. Wala lang talaga akong mapaglabasan. Okay kasi dito, alam mong honest lahat ng sasabihin ng mga tao kasi di naman kayo magkakilala. Kung ma post man ito, salamat, maraming salamat. Pero kung hindi, okay lang din. At least, Nakapagpalabas ako ng sama ng loob. Sa Lola ko ngayon ako nakatira, pero sina Papa pa din nagbabayad ng tuition ko. Kapal ng mukha ko noh? Sasagot sagot, nagrerebelde tas sila ipagbabayad ng tuition ko. Haha! Isa lang naman sagot jan eh, kahit na subukan kong magpaka-working student di nila ako papayagan, pagkakaalam ko kasi may kailangan pirmahan ng magulang/guardian eh. Takot kasi silang masira o may masabi sa kanila mga kamag-anak nila. Tataas ng Pride. Sabunin ko kayo eh.

Ps. Sorry kung mahaba, sorry kung madrama. Kailangan ko lang talaga ng mapaglalabasan.

Pps. Mahalin niyo magulang niyo ha? Wag kayong gagaya sakin na masama ang loob. Marunong din kayong magtiwala at magpatawad sa kapwa niyo, wag kayong gagaya sakin na manhid at bitter sa mundo. Wag niyo kong gayahin na immature.

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon