Doon sa guy na tiga-Commerce na may kasamang cute na girl sa bus na galing Vito Cruz na pa-Alabang, ng around 7pm ngayon!
Pagpasok niyo pa lang ni girl sa bus, medyo ang ingay niyo na kasi sa kamalas-malasan, di kayo nagkaroon ng chance na magkatabi kasi punuan na yung bus, so magkatapat na lang kayo ng upuan sa may aisle. Akala ko pa nga girlfriend mo siya kasi narinig kong tinatawag mo siyang "BABY!" habang may ngiting aso dyan sa mukha mo, pero ang sinabi lang ni girl, "BALIW KA!". Natawa ako sa reply ni girl, halatang nagpapakipot sayo. Pero I understand her, kasi babae din ako, ganun siguro ang initial reaction kapag binibiro ka ng ganoon ng taong mahal mo. And yes, nahalata ko na agad na may gusto sayo si girl, kasi sa reaction niya, at sa tawa niya. Natutuwa pa akong panuorin kayo kasi ang cute niyong tignan na nagkukulitan at nagkwkwentuhan. Actually, hindi ko sinasadyang marinig yung isang pag-uusap niyo, kasi ang lakas lakas ng boses niyo and nasa tabi lang ako ni girl.
*Non-Verbatim
Girl: "Oo nga, impossible na magkakagusto kami sa isa't isa kasi nga may standards yung guy na yon, at wala rin akong gusto sa kanya. Wala nga talaga. Magkaibigan lang kami."
Commerce Guy: "Parang tayo, never tayong maiinlove sa isa't isa kasi magkaibigan tayo?"
Girl: *shocked, silently nods, with a fake smile on her face*
Commerce Guy: "Uhm parang kayo lang din ni *insert name of a another guy friend here* na friends na di maiinlove sa isa't isa? Tska si *insert name of another guy friend here*?
Girl: *nods, with the same reaction*
Sorry If I overheard this part of your conversation, I just can't help it kasi sobrang naawa ako kay girl, sobrang ramdam ko na nagulat siya and at the same time, nasaktan siya sa sinabi mo. Halata naman na gustong gusto ka niya, and yet pinamukha mo pa na never kayong maiinlove sa isa't isa kasi magkaibigan kayo. SOBRANG BULLSH*T NAMAN NG DAHILAN MO NA YON! At itinulad mo pa yung iba pa niyang mga guy friends sa una mong hirit sa kanya! Kahit di ko kilala si girl personally, I know that she has a fragile heart. Kasi alam mo, kung nakakabasag lang ang puso niya, maybe I already heard it slowly tearing into pieces while faking a smile at you. Babae din ako, and siguro kung ako nasa posisyon niya, I will do the same. PERO KUYA BAKIT ANG INSENSITIVE MO AT SINABI MO PA YUN SA KANYA? SANA MARUNONG KANG MAKIRAMDAM, HINDI YUNG SALITA KA LANG NANG SALITA NA AKALA MO ROBOT YANG KAUSAP MO, NA HINDI MARUNONG MASAKTAN. MAY FEELINGS DIN YAN, UY! Nakakahiya, "kaibigan" ka pa man din niya, pero ikaw mismo di mo alam na nasasaktan na pala siya. At may lakas ka pa ng loob na tawagin siyang, "BABY!" tapos gaganunin mo lang. NAKAKA-G*GO ano po?
Sorry kung ang OA ko man mag-react, kasi kung kayo yung nasa posisyon ko that time, and nakita niyo si girl, you will really feel bad. Feeling mo kasi, nilunok niya lahat ng sakit na nararamdaman niya, tas sabay labas ng fake smile niya na mukhang sanay na sanay niyang gamitin. Her shield to hide her broken heart.
I really felt her pain. It just words that came out from your mouth, but it stabbed her straight to the heart.
I don't know what's the real deal between you two, pero kung di mo talaga gusto si girl, at least respect her feelings to you. Kaibigan ka niya, and alam kong alam mo kapag nasasaktan na siya.
PS. Bagay na bagay kayo ni girl, actually. You'll make a great couple someday, believe me! I'm praying for you two that you might actually end up together, sayang kayo eh. smile emoticon
Edi Ikaw smile emoticon
2016
College of Fine Arts and Design
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles