Pink Bag Part 2

5.9K 61 1
                                    

Babe 2 weeks na mula nung iniwan kita. Sorry kasi di ko naibigay yung bag mo pero pinuntahan naman ako ng kuya mo para kunin at kausapin ako. Naikuwento ko sakanya na 2 years ago lahat ng ligawan,panunuyo sayo at naging tayo ay isang dare lang sakin. Natalo ako sa pustahan namin at dare ang kapalit. Ang sabi ko ang unang babaeng nakita ko sa Starbucks siya yung liligawan ko.Nakita kita pumasok.Niligawan kita ng 6 buwan nagpakilala ako sa parents mo. 2 years naging tayo pero lahat ng yun ay isang lokohan lang. Ang sabi ko hindi ako maiinlove sayo at after matapos ng dare hihiwalayan na kita. Pero nagkamali ako ikaw yung isang babaeng imposibleng mainlove yung lalaki sayo.Nagpanggap nalang akong bakla para iwanan mo ako pero tinanggap mo kung ano ako. Bumalik yung ex ko sakin mahal ko parin siya pero mas mahal kita. Gusto na talaga kitang iwan kasi lahat ng pinaparamdam ko sayo ay isang dare lang. Alam ko mahal na mahal mo ako kasi gusto mo after graduation magpakasal na tayo. Pero hindi ko kayang itago sayo na niloloko lang kita. Minahal naman kita eh sobra. Kahit tapos na yung dare tinuloy ko parin yung relationship natin. Pero nung day na iniwan kita hindi dahil sa bag.Dahil sa banta ng ex ko na ipapahiya ka niya sa madaming tao at sasabihin niloko kita. Gusto kitang protektahan sakanya. Hindi dahil bakla ako kundi dahil ayaw kong makitang masaktan yung prinsesa ko. Yung makita ka araw-araw na iniiwasan ako. Ang sakit saken nun.Every uwian lagi akong naghihintay sa mcdo para makita kung nakauwi ka ng maayos. Araw araw akong nagsisimba na sana mapatawad mo ako na sana bumalik ka na sakin. Hindi mo alam gaano kasakit nung iwan kita magisa pero mas masakit na makita kang umiiyak dahil sinaktan ka ng ex ko.

Mahal na mahal kita leche ka. Naduduwag akong sabihin sayo sa personal pero alam ko avid reader ka dito. Sana mapatawad mo ako babe. Babe totoo akong lalaki di ako bakla. Mahal na mahal kita sobra.



taecyeon ng buhay mo dati 

2014

College of Commerce and Business Administration

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon