Runaway with Me

17.1K 297 17
                                    

Nothing really.. I am just a guy who is looking for the girl who got away..

I don't understand and really can't get the chinese' tradition that chinese is only for chinese. I know, na sino ba naman ako to say this pero sobrang nasasaktan parin ako kasi ito yung naging reason kaya nawala siya saakin, the only girl I loved that much, that after 8 years I'm still into her

Our love story was not like in the movies.. I met her noong unang araw ng klase.. Natapunan niya ako ng kape sa starbucks in P. Noval, well she said sorry naman and even asked me to pay for my polo and I refused it, kasi yung ego ko na parang pinagmukha niya akong hampaslupa pero na two hits niya ako coz nabangga niya bumper ng camry ko heading to UST. Sobrang pinagsakluban ako ng langit at lupa pero sobrang nag timpi ako kasi she's nice naman pero mukha lang basag na hindi pa nakakauwi sa bahay niya and dahil sa hassle na binigay niya saakin, di ako nakapasok on my very first day sa med school. Bad trip and I really hope na hindi ko na sana makita si chekwa. On my 2nd day, hindi na ako nag starbucks, nagpatimpla nalang ako ng 3-in-1 at home, maaga akong pumasok coz tinakas ko sasakyan ng mom ko, 30 minutes before my first subject nasa isang room na ako sa St. Martin de Porres building, and may pumasok na babae she's on her aviator ray-bans and this started everything.. I can still remember everything fresh and clear in my mind.. She removed her sunglasses sinabi niya saakin "So its you, mr. starbucks. I am sorry for yesterday, I really am I am Samantha Cua, you can call me Sam and nice to meet you again and can I seat with you?"

Ang hangin sobrang hangin, bwisit na bwisit ako pero I have no choice but to be nice. Wala akong masabi kasi umupo na siya beside me and the only thing I said was I am Alexis. Alex nalang. At sobrang gumaan na yung feeling ko sakanya sa biglang sinabi niyang ""You have no last name?"" From that day, chekwa became my forever seatmate, my coffee mate, my review buddy, the best friend I never had. During my 1st sem in med school, it felt so nice to have someone, someone who unexpectedly give me butterflies in my stomach, enjoy late night adventures and beach getaways. I became someone who I never thought I would be.

Sobrang napaka spontaneous niya na tatawag around 1:00 AM, 
Sam: Lalaking walang apelyido, what are you doing?
Me: Nag-aaral
Sam: Busy ka ba ng sobra?
Me: Di ba halata?
Sam: Gago, napaka sungit! today is friday no class tomorrow. Baba ka! Tara Tagaytay!! I'm here in front of your house

Ganyan yung mga conversations namin na mumurahin niya nalang ako ng walang dahilan, papabain sa bahay ko at pupunta kung saan saan

And hindi ko alam na sobrang nahulog na pala ako sakanya. Mag eend na first sem nun when I was about to confess to her my feelings sa ferris wheel in EK, saturday noon na sobrang daming tao kasi weekend, it was around 6:45pm the sun was setting at nagulat nalang ako sa mga sinabi niya na out of the blue nalang ""Alex, thank you for coming to my life at sobrang grateful ako kasi nakilala kita before I'll get married and I am so happy coz I never felt this good before. Just thank you for everything""

Sobrang nagulat ako sa sinabi niya. She will get married.. I am falling in love to someone who is engaged. Sobrang nasaktan ako kasi huli na pala ako. Sobra sobra. And nagulat nalang ako when she kissed me and sinabi niya to while crying and I still remember her voice and the words she said to me "What's meant to be will always find its way. I know you feel the same way, Alex. I know.. Meet me tomorrow, I'll wait for you in front ng Quadricentennial Park"

I answered her.. "Sam, you are getting married.."
And sobrang hindi ko na kinaya na chekwa is crying and ito yung mga sinabi niya saakin.. Wala pa daw siya sa mundong ito. Nakasulat na daw yung taong papakasalan niya na chinese daw sila and uso parin ang arranged marriage at chinese ay para sa chinese. Sinabi niya saakin na ayaw niya.. maybe before daw, okay lang sakanya but not until she met me. The day na natapunan niya daw ako ng kape.. She know in fact na ako na daw, at sinadya niya talagang banggain yung kotse ko to know me better pero inareglo ko na daw agad na ako nalang ang bahala. nawalan na daw siya ng hope pero sabi niya fate brought us together kasi nagulat daw siya na ako pa yung magiging kaklase niya.

"Tomorrow, I will be waiting for you.. Runaway with me, Alex.. Runaway with me"

Pero hindi ko na gawa yon kasi natakot ako.
And if you ever read this Sam

I want you to know na I was there watching you the whole time.. The night before, kakauwi natin from Laguna hindi ko alam kung ano ang gagawin ko hindi ako maka decide kung itatanan ba kita or not pero I packed my things to runaway with you pero noong nakita kita sa harap ng foutain, na realized ko na I dont deserve you kasi sobrang natakot akong ipaglaban ka kasi simulang simula pa talo na ako. Hindi ako chekwa, at hindi ako magiging. Gustong gusto kitang puntahan non pero hindi ko magawa kasi natakot ako na what if, hindi tayo mag worked out together, sooner or later masasayang lang lahat ng isasacrifice mo para saakin.. 7:43 pm biglang umulan, nagsitakbuhan lahat ng tao para sumilong pero ikaw, nakaupo ka parin don. Gustong gusto kitang puntahan at i risk na lahat pero nung pupuntahan na kita, bigla ka nalang nawala. 2 days after nun, final exams natin pero hindi ka sumipot, and hinihintay kita pero hindi ka na dumating, hindi na kita muling nakita. Sobrang sising sisi ako sa nagawa ko, I should have runaway with you and started a new life with you pero dinaig ako ng takot at nawala ka saakin. I miss you so much and yes sobrang mahal na mahal kita.. sobrang mahal parin kita. Sana hindi pa too late for us. I dated some girls pero ikaw parin, para makalimutan na kita pero hindi ko kaya.

And its been 8 years, 8 years narin akong umaasa na sana pwede pa. I can't find you here on facebook. Nagtatanong ako sa mga friends and classmates mo in Ateneo and Poveda na kilala ng mga common friends natin pero wala rin silang balita sayo. And yes, natupad ko na yung pangarap ko, doktor na ako.

I wanted to see you and hold you so tight and ako naman na ang hahalik sayo and ako na ang magyaya sayong magtanan tayo and start a family. Wherever you are now, my Samantha Chua.. I am waiting for you and if I ask you now, would you runaway with me? 

Dr. Alex Crisostomo 
2004 
Graduate School

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon