My Bestfriend, Mr. Chinito

3K 10 1
                                    

2nd year highschool

Una kitang nakita sa gilid ng gate nyo nakatayo ka lang malapit sa red service nyo. Tapos araw araw na non ummiikot ako sa front gate pabackgate para lang di masyado obvious haha. Nakakainlove yung pagkacute mo.
Nagkaroon tayo ng mutual friend hanggang sa napakilala ka na sakin tumawag ka pa sa amin. Napakasaya ko nung narinig ko yung boses mo sobrang kilig ang naramdaman ko. Nalaman ko pa na never ka pa nagkgf nakakakilig kasi ako din never pa. So, nagassume ako na may chance tayo kasi nakakausap kita. Pero wala eh yung pretty friend ko yung gusto mo. ang malala lang don yung bridge nyo na barkda ko naman niligawan mo. Tss sana ako nalang haha. De joke cool din kasi si barkada.

Kayo na ni barkada tapos yung friend mo naman nanliligaw sakin, gusto ko makipagswitch haha. Crush na crush na kasi talaga kita. Tapos pag break nag "hi" tayong tropang couple from another bldg (ndgm-smacc). Cute lang. Hanggang sa nafall na ko sa friend mo at nawalan na din tayo communication.

College
2nd sem naisipan mo na lumipat sa school ko. Nakwento sakin ng mutual friend natin naexcite ako kasi nga crush kita dati. Actually, kaya ko din naiisip magschool dun dahil sabi ni friend natin dun ka daw.
Naging barkada tayo nawala na din pagkakacrush ko sayo. Nagkaroon din ako ng bf na sobrang bait kaibigan din natin. Buong college ko sya lovelife ko. Pero ikaw wala ka naging girlfriend kadalasan kasi ng nililigawan mo bitchy. Ewan ko ba sayo.

Fast forward
Graduate na tayo may kanya kanya na ring work single na rin ako. Ikaw single ka pa rin.
Naging close tayo kasi sayo ko lumapit nung sobrang broken hearted ako sa ex ko. Madalas tayo magkita and yon naging magbestfriends na tayo. Halos 2 years na tayong ganon kaclose parang tayo na nga eh.(Sana nga tayo nalang)
Kaso di pwede kasi barkada tayo. Kasi di ako yung Robin Scherbatsky mo. Ako lang naman yung cupcake girl na kahit iwan mo at ipagpalit sa dream girl mo mo andito pa rin. Ngayon may bago ka nanamang babae. Napakasakit eh. Oo walang tayo pero sakit lalo pre. Alam mo yun. Pretty face nanaman. Ano nanaman laban ko dun pakingshit.

One time umiyak ako sa sobrang selos tapos pinilit mong mapaamin ako. Napaamin naman ako. Sabi mo ikaw din yun nararamdaman mo blah blah. Pero di pwede maging tayo. Barkada blah blah. Sabi ko din ayaw ko pa ng commitment. (Kasi nga ako lang si cupcake girl victoria) sabi mo di kita deserved. Kasi ako sobrang effort and all. But yeah wala eh ganun talaga. So yan active na kayo magkausap ni pretty face. Hay ang sakit talaga eh. Alam mo naman kung bakit di ko din masabing tayo nalang. Kasi never ko nakita na ako si robin or si mother. Hay. Dude. Gusto talaga kita. At ang sakit kasi alam kong mas gusto mo sya. Sabagay baka sya na nga si robin/tracy.

Layo muna ko bestfriend ah sakit pa eh. Paganda muna ko. Baka maapreciate mo na din ako.

PS. Gusto kita pero mas gusto mo sya. Magsama kayo lech. De joke. Miss na kita. Bat kasi di ako pretty face hay nako. Basta ingat ka palagi. Goodluck sa inyo.

Sorry haba. Characters stated are from how i met your mother.

Di tomasino si Pauli
2013
College of Commerce


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon