Ilang araw ko nang hindi nakakausap si Ellen sa sobrang dami ng pinapagawa sa amin. Nagtext ako sa kanya bago iyon at sinabi kong baka maging busy ako at wala naman siyang pagtutol. Oo medyo napabayaan ko si Ellen sa mga araw na yun, pero sa tingin ko ay okay lang naman sakanya dahil hindi niya ako inaabala. And finally, nagkausap na kami through text noong weekend pagkatapos ng pagiging busy ko. Masaya naman siyang nakikinig sa akin noong kinukwento ko kung gaano ko kamahal yung pre-med course ko. Sabi ko pa sa kanya na mag-aaral talaga akong mabuti pagdating sa Med School para sa aming dalawa. Kaso, bigla na namang bumuhos ang sunod-sunod naming exams.
Sobrang stressed ako pero ang timing nga naman, kalagitnaan ng madugong pagrereview ko sa major ay abot ang text niya sakin, pinipilit na kausapin ko siya kahit sandali at iwanan muna ang mga reviewers ko. Hindi ako pumayag, sinabi kong para sa amin naman yun, pero nagtampo siya sa akin – ganun naman siya minsan, ipinipilit ang gusto kahit hindi pwede. Nag-sorry ako pero hikbi lang niya ang narinig ko. Hindi ko nalang pinansin at ayaw ko nang mastress pa. Siguradong pagkatapos nito ay kakausapin niya pa rin naman ako.
--Pagkatapos noong gabi na nag-away kami ay napansin kong nagtext pa din naman si Ellen sa akin ng “I miss you” at yung huling text niya sa akin, na monthsary namin, ay “Mahal kita.” Meanwhile, mahigit sa isang buwan akong nagfocus sa pag-aaral, hanggang sa tuluyang matapos na ang buong semester at sa awa naman ng Diyos ay mataas ang mga nakuha kong grades. Sabik na sabik akong umuwi dahil isang sem din kaming hindi nagkita at madalang pang makapag-usap, kaya naman pagkababa ko ng gamit ay agad kong hiniram ang sasakyan ni Dad at pumunta sa kanila.
--Sabado noon at paniguradong siya ang nagluluto. May dala akong donuts na gawa ng Mom ko, paborito niya yun sa tuwing dinadala ko siya sa bahay noong bakasyon. Ala-sais ng gabi ng makarating ako sa kanila, pero laking pagtataka ko nang masilip ang dami ng tao sa kanila. Lumapit ako at pinindot ang doorbell kahit medyo nakaawang ang gate. Tumutugtog pa ang mga paboritong kanta ni Ellen. Nakangiti kong sinalubong si Tita at pumasok na kami. Rinig na rinig ko sa sandaling iyon kung paano biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naka-itim o puti ang ilan, pero ang mga malalapit nilang kaanak ay nakasuot ng gray, ang paboritong kulay ni Ellen.
Nilingon ko si Tita na hawak na ngayon ang dala kong pasalubong, “Tita ‘diba po ay next next week pa ang birthday ni Ellen? Bakit po maraming tao?”
“Wala na si Ellen,” naluluhang sabi ni Tita.
Pinilit kong maging tanga, “Saan po siya nagpunta?”
Pero umiling lang ang mommy niya at tuluyan ng bumuhos ang luha. Inakay niya ako papasok sa living area, doon ko nakita ang urn.
“Tita, nasa kwarto po ba si Ellen? Ako nalang po ang magdadala ng donuts.”
“40 days nang wala si Ellen. Patay na siya.”
“Imposible Tita, bago ako umalis ay wala namang kakaiba sa kanya---”
Hindi niya ako hinayaang tumuloy pa sa sinasabi ko, “Since 12 ay diabetic na si Ellen, Sef!”
Biglang-bigla ako sa sigaw niya, at sa sinabi niya.
“Kahit ganoon, buong akala namin ay maayos ang kondisyon niya pero hindi na siya makalakad. Sinabi niyang pagod lang siya at hinihintay na tumawag ka. Isang gabi na sumilip ako sa kwarto ay umiiyak siya, inamin niyang hindi na niya kayang lumaban. Dahil hindi mo siya napagbigyan. She said you were busy studying and telling you about her condition would only complicate things. She didn’t want you to worry about her. She wanted you to finish your own plans. Idinadahilan niya sa aking pagkatapos nalang ng sem niya aaminin sayo. Awang-awa ako sa anak ko, Sef. Halos wala na siyang lakas sa kakaiyak kaya pinilit kong patulugin siya. Nagsosorry siya sa akin dahil hindi niya ako mabibigyan ng apo, dahil mukhang bigo siya sayo! Sinabi kong okay lang, dahil kinabukasan ay magpapatingin kami para lang mapatagal ang buhay niya. Kahit wala akong apo, basta mabuhay siya nang mas matagal, magpapasalamat na ako. Pero kinabukasan, she had a heart attack. Hindi na gumising ang anak ko Sef! Tiningnan namin ang gamit niya habang inaayos ang funeral dito sa bahay last month, simula noong umalis ka papuntang Maynila ay walang nabawas sa gamot niya. She pretended to visit the hospital for the shots. She didn’t want to live if you weren’t here! Mahal na mahal ka ng anak ko pero hindi ko inakalang ang pagmamahal niya sa’yo ang magpapahina sa kanya.”
Napaluha na lamang ako sa dami ng narinig ko noong araw na iyon.
Pumasok siya sa kwarto ni Ellen at nang bumalik ay may inabot sa aking papel. Nandoon ang sulat ni Ellen…------
Wish list!
- Have patience for Sef
- Cheer him up
- Tell him sweet words
- Pray for his goals in life
- Love him eternally
- Apologize to mom
- Forget all my worries
- Die happily
- Have a simple gray-themed funeral
- Serve donuts for the visitors
- Let mom play my favorite songs whenever she wants
- Burn my ashes
- Keep it until Sef comes back
- Place this wish list somewhere noticeable
- Let mom find and read this
--------Wala na si Ellen… Wala na ang mahal ko. Sa sobrang busy ko para sa future namin ay nakalimutan kong mas mahalaga yung ngayon. Rather, mas mahalaga yung kahapon na kinailangan niya ako. Mas mahalaga yung araw na lumipas na, na sinabi niyang mahal niya ako… pero hindi ko man lang lubusang nasuklian. Sorry Ellen kung hindi ko namanage yung time ko para makausap ka. Sorry kung napabayaan kita. Sorry kung nasaktan kita. Sana ay marinig mo pa din, at maramdaman, na mahal na mahal pa rin kita. Kung maibabalik ko lang…
Sef
2023
Faculty of Pharmacy
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles