Hi! Gusto ko lang ishare ang love story namin ng GF ko. Nagsimula ang lahat sa Math subject namin noon 3rd year HS kami. Ang talino nya sa math lahat kami napapa wow! Kasi naman kahit anong itanong ng aming guro alam nya amg sagot.. At to think na math yun mahirap at komplikado.. Naging crush ko na sya nun, kaya gumawa ako ng way para mapalapit sakanya nagbobobohan ako sa math para magpaturo sakanya. Pero ang totoo gusto ko lang syang makasama. After class magkasama kami at sabay na din nauwi. Hanggang sa mag4th year HS na kami doon nalang ako magkaroon ng lakas ng loob para magtapat ng feelings ko sakanya. At finally napasagot ko sya
smile emoticon hatid sundo sa gate ng school namin sabay kami naglulunch at breaktime.. Sarap sa feeling! Noon crush mo lang ngayon GF ko na!!! (Thank you Lord!!) hanggang sa magcollege na kami ako dito sa UST at sya naman ay sa PNU. Smooth lang kami.. Steady at focus sa pagaaral. Kahit magkalayo kami i see to it na may time ako para sakanya. Kaya lang bilang mahirap ang kurso na kinuha nya madalas syang pagod at mainit ang ulo. Hanggang sa nagiba na kami. Ang dating masaya at steady na pagsasama nauuwi na sa awayan, tampuhan at hindi pagkakaunawaan. Hanggang sa hindi na kaya maayos kaya kami naghiwalay. Naisip ko na bata pa kami noon kaya mataas masyado ang emosyon namin parehas. Kaya madalas hindi kami magkagulo. Pero dahil sa sobrang mahal ko sya at gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko para sakanya gumawa ang ng paraan para magreach-out sakanya. Pero sabi nya magfofocus sya sa studies nya. Pumayag ako at handa akong magantay para sakanya. After ng graduation nya kumuha sya ng board exams nya at nakapasa sya! At hindi lang yun, SINAGOT NA NYA AKO ULIT! Yahooooo!!!! At sobrang proud ako sa takbo ng relationship namin ngayon! Sobrang mature na namin at walang away na sobra dahil sa maliliit na bagay. Kung tutuusin 5years lang talaga kami kaya lang naging 7 years dahil ni minsan naman daw ay hindi ako nawala sa puso nya! Ngayon masasabi kong, she is the one and the perfect one for me!
Kaya lahat ng bitter dahil sa break-ups wag na kasi kung gusto nyo naman na magstay ang mahal nyo gumawa kayo ng paraan o ipaglaban nyo ang pagmamahalan ninyo smile emoticon\
POGEE
2012
College of Education
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles