Untold, Unsaid

9.8K 72 2
                                    

Hello and a early sorry to all of you. This story might be... i don't know, crazy, boring, long etc. but its what's inside of me and I'm sorry if I just can't say the right words but I'll try to say it all out for the sake of my peace of mind and heart. I'm really not a Tiger but I want to be after I graduate high school. I heard its such a good university and I know.... he doesn't include UST to be one of the university he would to attend to.

Lame diba? Oo gagawin ko lahat maiwasan ka lang. Tatlong taon na kitang gusto, oo nag kakagusto man ako sa iba pero sayo at sayo parin ang bagsak ko. On and off man feelings ko para sayo but I'm very damn sure na every time na babalik ang feelings ko.... mas stronger and deeper na. Hindi ko alam kung bakit pa-ulit ulit ang feelings ko sayo, pa-ulit ulit ako nasasaktan at umaasa pero hindi parin ako natututo. Every damn time, I always let my self fall for you. Ni-hindi ko alam ang salitang move on. Oo naipapakita ko sa mga kaibigan ko na naka move on na ko, pero tuwing hindi sila nakatingin, susulyap ako sayo kahit saglit makita lang na anjan ka, kapag may mga events sa school pasikreto ko parin inaalam kung asan ka, kapag naririnig ko ang pangalan mo sa mga usapan hindi ko parin mapigilang wag makinig, kapag dadaan ka sa harap ko at kahit may kausap ako mapapalingon parin ako, kapag binubwisit mo ako at sinusuyo halos mag ka mini heart attack ako sa mga pinag susulat mo sa notebook ko.

Naisin ko man na malaman mong ang mga kademonyohan mo sa isipan mo at hindi ang mga anghel jan sa ngiti mo ang nag papatibok ng puso ko.

Ang bawat pag kanta mo sakin na nag bibigay kulay ng araw ko.

Ang mata mo at mahahabang pilik mata na gusto kong titigan buong buhay ko.

Ang braso mo na gusto kong yumakap sakin tuwing nalulungkot ako.

Ang kamay mo na mag susuklay tuwing tinatamad ako suklayin buhok ko.

At ang paa mo na mag hahantay sakin sa altar kapag papakasalan mo na ako.

Sorry kung ang gulo ko dahil pinapakita ko na iba ang gusto ko, which is kailangan ko dahil para sa tuwing inaasar ako ng mga kaklase ko sayo hindi ka maniniwala dahil yun nga ang alam mo.

Pero sana malaman mo na ikaw talaga ang nakikita ko sa future ko, yan na ang naka plano sa isip ko... ayun nga lang, hanggang isip nalang. 
Hindi ko alam pero parang ayaw satin ng tadhana. Hahantayin kita maging single, tapos ung mga pag kakataon na single ka magiging inseparable tayo tas biglang mag kaka gf ka ulit? sa tatlong taon na yan ganyan ang scenario natin at hindi ako natututo. Ayoko naman kasing mag confess habang may gf ka dahil mag mumukha lang akong kawawa o desperada kaya akong si tanga hahantayin ka at sa totoo lang natatakot ako sa maririnig ko mula sayo or worse wala man lang akong makitang reaction sa mukha mo.

Lagi mo kong inaasar na halemaw, bad ass, suplada, mataray at kung ano ano pa. Pero etong bad ass na sinasabi mo, sayo lang titiklop na.

Sinagasaan na ko ng truck ng katotohanan na hindi mo ko kayang makita higit pa sa kaibigan/best friend, na hindi ako pwede mag hantay sayo buong buhay ko, na hindi ko pwede paikutin ang mundo ko sayo. Pero hindi ko magawang mag move on sa tuwing makikita ka.. I just can't. Good thing 2months nalang graduation na, at sana...sana talaga tuparin mo ang sabi mo sakin na never ka mag aaral sa UST. Gusto na talaga kitang kalimutan, gusto ko na sumaya ng hindi naka depende sayo, gusto ko maramdaman na worth it naman ako. Kaya sana talaga sa magiging bagong picture ng buhay ko, hindi ka kasama.

Ikaw ang nag pakilala sakin sa page na ito kaya dito ko na din sasabihin ang mga nararamdaman ko sayo na kahit mga kaibigan ko walang clue. Hindi ko alam kung mapopost to o ano. Pero mas better kung oo, dahil gusto ko sa future pag nag punta ako sa page na to at makita tong katangahan ko, tawanan ko nalang ito at pasalamatan dahil nalaman ko na ang dahilan kung bakit nangyayari sakin ito.

zeroeight 
2008 
College of Tourism and Hospitality Management

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon