Arki ako! Minsan nakaka-shit lang yung mga bagay na hindi na 'tin kayang bigyan ng eksplanasyon.
NORMAL sa arki ang sobrang close ng male at female. Ewan ko ba, ganon sa beato eh parang isang pamilya. Pero out of all ng lalake na nayayakap mo (as friends), nakaka text (as friends), at nako-comfort at napapag-share-ran ng problems (as friends) minsan meron isa na magi-stand out.
Ang ibig kong sabihin eh yung lagi mong nilu-look forward ang replies. O yung araw araw mong ni-lu-look forward makita. Masasabi ko na madaming gentleman sa arki (swear) kaya sanay na 'ko sa pagiging ""nice guy"" nila pero siya kasi iba eh. Para sakin extra nice at extra gentleman niya sa 'kin. Oo baka sabihin niyo ASSUMING AKO.
One time siksikan sa elevator (beato peeps alam niyo yan). Nasa lower-right corner ako tapos nakita ko na nakasingit si guy sa elev bago magsara so nasa harapan siya. Di niya ko nakikita pero ako nakikita ko siya from back. Tapos kinausap siya ang isa pa naming blockmate sa elev na nasa harapan (bulong pero rinig hahaha bulong pa ba yun). I overheard.
BLOCKMATE: Uy may "thing" ba kayo ni.. <my name>
GUY: Ah wala. Sus issue.
BLOCKMATE: Weh? Eh bakit sobrang close niyo? Lagi kayo magkasama
GUY: Baka kasi magkaibigan kami? Kaya ganon? Lul mo issue pa.
BLOCKMATE: Lul.
GUY: I'm just being nice and kind. Bawal?
Alam ko magagandang salita ang binitawan niya pero nasaktan ako. "I'm just being nice and kind." Tinext ko yung friend ko na hindi arki sa nangyari. Sabi niya "NAG ASSUME KA GIRL" which is technically true.
Pero ano nga ba ang TECHNICALITY ng pagiging ASSUMING at saan ba ang border nito. Tatawagin mo ba akong assuming kung hinahatid naman niya talaga ako sa sakayan kasi ""gabi na"" at sa morayta ako sumasakay?Tatawagin mo ba akong assuming kung after inuman eh tumatawag siya para tanungin kung nakauwi na ko samatalang ang mga ibang male friends sinasabi lang "Text ka pag nakauwi ah."
Tatawagin mo ba akong assuming kapag maaga siya natatapos nun sa graphics pero nagpupuyat sya (banal samin ang tulog) para lang iexplain sakin over skype kung saan ipo-project mga lines (oo bobo ako sa graphics).
Tatawagin mo pa ba akong assuming nung minsan eh magkatabi kami at napagalitan ako dahil ang daldal ko pero nagtaas siya ng kamay at sinabing "Ma'am kasalanan ko po."
TAMA. LAHAT YUN ACT OF KINDNESS. PERO MATATAWAG NIYO BA NA ASSUMING AKO? HINDI BA MAY BASIS NAMAN YUNG PAG-ASSUME KO? ANO BA KASI ANG BORDERLINE NG PAGIGING ASSUMING AT LEGIT NA YUNG LALAKI TALAGA YUNG MAY PROBLEMA? ANG GULO EH.
TO GUY: Ang bait mo.
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles