Para sa aking mga magulang at mga kapatid:
Ma, pa, ate at bunso. Mahal na mahal ko po kayo pasensya na po kung magagawa ko eto. Pasensya kasi hindi ko na talaga kaya. Oo nagkamali ako alam ko yun, pero bakit kelangan niyo akong talikuran? Bakit kelangan niyo akong iwan mag isa ma?, pa?. Sobrang sakit na mismong kayo bumitiw sa akin. Ma, pa, bakit? Tao lang din ako, nagkakamali. Miss na miss ko na kayo pero ayaw niyo na ako makita. Masakit lalo na at nanggaling pa mismo sa inyo yung mga salitang yun. Pero di ko po kayo masisisi, nagkamali ako. Pasensya na po. Mahal na mahal ko kayo, sana tuluyan na kayong lumigaya at tuluyan na akong mawawala. Mahal na mahal ko po kayo. Wag kayong mag alala, babantayan ko kayo lagi kapalit ng kasalanan ko.
Babe, dalawang bwan na ang nakakalipas pero mahal na mahal pa din kita. Hindi ko alam kung san ako nagkulang, pero baka nga talagang na fell out of love ka na sakin. Salamat sa apat na taong pinasaya mo ako kahit na may mga maliliit tayong napagtatalunan. Ok lang kahit pinagpalit mo ako sa kanya, alam kong mas liligaya ka sa piling nya at masaya na ako dun. Babe, alam ko namang mayron na kayong relasyon tatlong bwan bago ka makipaghiwalay, alam ko yun babe. Pasensya kung di kita masyadong napasaya. Pasensya kung kulang pa dib lahat ng effort ko. Pasensya na. Babe, huling hiling ko lang, wag mo ko kakalimutan a? Sana kahit papaano maalala mong may isang ako na sobrang nagmamahal sayo noon. At sana, pag nakita nila mama yung kwintas na binili ko para sayo tanggapin mo sana ha? Kahit wag mo ng isuot, basta ingatan mo lang. Babe, i love you for the last time. Pwede mo na akong iunblock kasi di na ako makakapangulit sayo smile emoticon kiss emoticon
Mga tropa: tang ina nyo. Sana bago ako tuluyabg ibaon sa lupa sabay sabay niyong bigkasin yabg batian natin a? Salamat mga pre sa mga alaala ng kagaguhan natin mula elementary hanggang ngayon. Salamat at pilit niyo kubg inaangat pero pasensya na mga pare . Sobrabg sakit na kasi e. Wag kayong iiyak a? Tang ina nyo mumultuhin ko kayo. Hahaha panatilihing buhay ang samahan a? Isa lang naman mababawas e hahaha SWK
Bespren: hoy bakla. Hahaha salamat tol. Sa pagsama sakin simula nagkaisip tayo at sa pagnanakaw mo palagi ng nutella ko sa aparador. Haha. Pasensya na pre, di ko na matutupad pangako natin tayo magiging bestman pag mga kinasal na tayo. Ingatan mo paborito kong action figure a. Tsaka yung alam mo na. Haha. Seryoso tol, salamat sa pagiging kapatid mo sakin. Kita kita na lang tayo sa kabila a? Hanap ka na din ng bago mong kasparring sa suntukan haha. Tsaka pala tanda mo yung binaon natin dati sa likod ng bahay? Bungkalin mo na, sayo na yun panalo ka e. Nauna ako smile emoticon
mamimis ko kayong lahat . Tangna sorry na di ko mapigilan si lumuha e. Sobrang sakit e. Konting tiis na lang, wag niyo ko kakalimutan a? Mahal na mahal ko kayong lahat. Paalam na" MDED-SWK. Your son, your babe, your solid katropa, your lifetime
bestfriend/brother
2012
engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles