Nagkakilala tayo dahil sa mga common friends natin. Konting chat and text, nagkaroon ng "fling". Hanggang naovercome natin yung pagka mahiyain natin sa isa't isa, mas lalo tayong nagkalapit. Napadalas yung pagkikita at mga gala natin. And nagka aminan tayo.
Parang "tayo". Parang.
Sobrang saya. Sobrang perfect. Lahat na yata ng hahanapin sa isang guy, na sayo na. Hangang hanga ako sa kabaitan mo. At syempre, heto ako takang taka kung bakit mo ko nagustuhan.
Then, nag college tayo. Nabawasan ng time para sa isa't isa. Ang daming nagbago sakin. Hindi lang "time" yung nabawasan, pati yung "fling". Sorry.
Some, including you, will probably think na ang sama-sama ko. Yung mga panahon kasing hindi kita na kasama, marami akong narealize.
"Tayo ba talaga? Kailan mo ba ko liligawan? Yung formal? Hanggang kailan ko ba kailangang maghintay sayo? Teka, bakit ba ko yung naghihintay? Hindi ba parang baliktad? Bakit ba ang duwag mo? Takot ka ba talagang mag take ng risk? Naiinis ba ko sayo? O naiinis ako sa sarili ko? Kasi minamadali kita? "
Pero hinintay pa rin kita. Araw-araw nag eexpect ako na darating ka para isurprise ako. Lagi akong umaasa na nasa gate ka ng ust, naghihintay sakin. Pero wala ka. Hanggang nasanay na ko ng wala ka. Napagod na ko maghintay sayo.
One day, sinundo mo ko sa dorm. That was the first time na nagkita tayo after 3-4 weeks. Yun din yung first time na nakaramdam ako na may mali. Yung first time na hindi ako excited na makita at makasama ka. Sorry.
Sobrang naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Hanggang ako na rin yung sumagot sa mga tanong ko:
"SOBRANG BATA PA NATIN PARA MAGKAROON NG MGA GANTONG PROBLEMA. ARAL NA LANG. ITUON MUNA NATIN YUNG ORAS NATIN SA FAMILY AT KAY GOD."
And that, my dear, is why we broke up.
(KAHIT WALA TALAGANG "TAYO")
P.S. If we're meant to be, we will find our way back to each other. Maybe someday pwede na nating ituloy yung naudlot nating "forever". Hindi palang talaga tayo ready ngayon. Patience, my love. Patience.
DUMPER
20**
Faculty of Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles