5 years na din pala nakalipas nung iniwan kita, iniwan kita ng walang dahilan, bigla nalang ako nawala sa buhay mo... Iyak ka ng iyak noon, nagmakaawa ka pero hindi kita pinansin.
Nagkakilala tayo sa UST, Eng'g ako, at Commerce ka. Nauna ka nakapagtapos sa kolehiyo, samantalang ako puro bagsak nadelay pa ng 2 years pero kinakaya ko pa din ang hamon ng buhay dahil lagi mo ako sinasamahan. Hanggang sa gusto ng company na pinagttrabahuhan mo na mag aral ka sa ibang bansa. Dream mo yun... Diba lagi mo sinasabi na lahat gagawin mo para lang makapagmasteral sa ibang bansa. Pero nireject mo yun para lang makasama ako... Kaya iniwan na kita para sa pangarap mo... Para sa mas magandang kinabukasan mo... Alam ko na yun lang paraan para pumayag ka na mag aral sa ibang bansa.
To make the story short, nag aral ka na sa ibang bansa at kinuha ka pa ng isang international bank para magwork. Madalas ko nababasa pangalan mo sa mga business magazine, masaya ako na natupad na mga pangarap mo. Balita ko bumalik ka na dito sa Pinas para sa isang project. hindi ko na alam paano ka makakausap, kaya umaasa nalang ako sa UST Files na kahit imposible, sana mabasa mo pa din. Kahit hindi mo na ako mahalin kagaya ng dati, hiling ko lang ay makita ang mga ngiti na tinanggal ko dati. Mahal na mahal pa din kita pero may nagbago na, mas responsable na ako ngayon para sayo.
Screen Name
20**
Faculty of Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles