Nakwento sa akin ng boyfriend ko kung paano kayo nagkakilala at nagkausap. August 14, Friday Night. Mga 9PM. Tapat ng Engg.
Siya yung tipo ng taong mahilig tumulong, pareho kami ng ugali kaya naiintindihan ko. Pero iba ka girl. Plano niyo ng friend niyo na makipag-inuman, maghanap ng tagaEngg tapos alam naaa. Jk. Pero te, necessary ba talaga na sabihin na magaling ka magBJ? Binebenta mo sarili mo te?
Oo, ginago ka nung ex mo na tagaEngg, tumagal kayo ng 4months kaya tagaEngg nanaman hanap mo. Pero ano ba, respetuhin mo naman sarili mo. Alam ko sabay kayo ng boyfriend ko umuwi kasi pareho kayo tagaMarikina. Alam ko na nanakawan ka ng cellphone sa Recto. Kaya mas nafeel ng boyfriend ko na responsable siya sayo kaya dinala ka pa sa bahay para makitawag para di mag-alala parents mo. Nameet mo dad niya, kumain kayo ng dinner together. Tapos hinatid ka sa village niyo kasi anong oras na. 12AM?
Saya mo talaga te. Gusto ko mainis sayo. Lalo na nung nalaman ko na natatakot ka sa jeep, nahihirapan ka huminga kaya kinailangan ng boyfriend ko hawakan kamay mo. Pero medyo naiintindihan din kita. Iniwanan din naman ako ng boyfriend, tumagal kami ng 3 years. Muntik na din ako umabot sa kung ano mang situation na ginagawa mo ngayon. Pero nameet ko tong boyfriend ko ngayon. Sino ba naman hindi matutuwa sa pinaggagawa netong lalaking to.
Alam ko binigay niya sayo number mo. Tetext mo ba? Alam ko naman na nasabi na niya na may gf siya. Nakita lang talaga niya na malungkot ka. Pareho kami na nakakabasa ng ibang tao. Nabasa niya na sobrang lugmok ka kaya kinailangan ka niya kausapin. Yung mga babaeng katulad mo yung ayaw niya pero nung mga oras na yon pakiramdam daw niya kailangan niya tumulong.
Di ko sigurado kung set-up yung nanakawan ka ng phone sa Recto. Nasa kaibigan mo ba phone mo? Aabangan mo ba simula ngayon boyfriend ko sa tapat ng Engg? I know I sound like some pathetic bitch. Pero di ako galit sayo o sa boyfriend ko.
Gusto ko lang sabihin na ano man mga pinagdaanan mo, hindi man kita kilala. Alam ko hindi ka talaga ganyan. Ibalik mo na yung totoong ikaw, yung matinong ikaw. Wag mo na isipin lahat ng sakit na nadulot ng ibang tao sayo. Maging better ka na para sa sarili mo. Wag mo hanapin sa ibang tao yung bagay na di mo magawa para sa sarili mo. Ikaw lang makakabuo sa sarili mo.
Sa totoo lang ayoko talaga sa mga taong katulad mo, yan kadalasan mga nagiging dahilan ng third party or whatever. Pero alam ko din na may mga dahilan bakit nagiging ganyan ibang tao. So imbis na isumpa kita, pagdadasal ko nalang na sana mahalin mo na sarili mo para di mo na kailangan pa gawin ano man ginagawa mo sa sarili mo.
PS. Go, text mo siya. Sana lang di kita makita sa tapat ng Engg. Di nakakatuwa ginawa mo te. Sana wag mo na ulitin."
pleaserespectyourself
2011
Engg
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles