Growing up, my mom has this one mantra for me: WAG KANG MAG BOYFRIEND, WAG KANG LUMAPIT SA LALAKI. HINDI KA MAGANDA, PEPERAHAN KA LANG NUN AT LOLOKOHIN. Medyo well off kasi ang family namin. Pinag-all girls school pa niya ako to make sure that I don't. I'm not sure why since happily married naman sila ng dad ko. Anyway, that's not the case (kinda). I have never liked anyone in a romantic way, or at least I think I have. My life has pretty much been "meh", until I entered Med and met this student in my subsection. First day of med school nun at linapitan niya ako "Diba taga *insert undergrad here* ka?" Being the shy loner that I am, I simply nodded without saying a word. "Ako din eh! Lagi kitang nakikita dati. Sabay tayo mag lunch ha." Yun ang first time na may kasabay akong kumain on the first day. Nung nag lunch kami, pinag usapan namin yung mga naging prof namin nung undergrad, mga mahihirap na subjects noon, basta tungkol sa undergrad program namin. Simula nun, siya na ang kasabay kong mag lunch araw-araw. Nung tumagal, bumibisita na siya sa condo ko para sabay din kaming mag dinner. May isang araw na nagkasakit ako at naisipang di muna pumasok for a day. Tumawag siya sakin at sinabi ko sa kanyang may trangkaso ako. Maya-maya, nagulat nalang ako at bumisita siya sakin na may dalang gamot at soup. Binigay din niya ako ng copy ng notes niya para makacope ako kaagad. Sobrang natuwa ako nun kasi yun yung first time na naramdaman kong may nagmamalasakit sakin other than my parents. Nung sembreak, parang hindi ako mapakali na ewan. Parang sobrang excited na akong mag pasukan di ko alam kung bakit. Doon ko narealize na namimiss ko pala siya. Nakakausap ko naman siya through social networking and through phone at nakaka-face time ko din siya pero iba parin yung feeling pag kasama ko siya, pag nararamdaman ko presence niya. Nung pasukan na, sobrang excited ako para makita siya at makausap ulit. Niyakap ko siya kaagad nung nakita ko siya. Pagkayakap ko sa kanya, iba naramdaman ko. Kinilig ako..I think. Di ko pa kasi nararamdaman yang 'kilig' na yan before. Pero siguro masasabi ko na kinikilig talaga ako nung time na yun. Simula nun, parang gusto ko na laging nakadikit sa kanya, nahahawakan kamay niya, kahit magkakiskisan lang elbows namin tuwang tuwa na ako. Minsan kahit sobrang nonsensical na ng mga pinagsasabi ko para lang mapatagal usapan namin. Di lang yun, sobrang laking game changer niya sakin. Siya ang dahilan kung bakit di na ako mahiyain, di na ako takot mag interact sa ibang tao. Nagkaroon ako ng mga friends dahil sa kanya. Pero hindi pa ako sure kung nahuhulog na ba ako sa kanya kasi baguhan ako sa mga bagay na ganito. Please help me Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya, or kung kailangan ko ba talagang ipaalam sa kanya na may feelings ako para sa kanya. And most of all, hindi ko alam kung paano ko to sasabihin sa mom ko. I usually tell my mom everything. Sobrang close naming mag-ina. Sabi niya, bawal daw ako mag boyfriend...pero wala naman siyang sinabi na bawal akong magkaroon ng girlfriend.
screen name
2009
Faculty of Medicine & Surgery
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Não FicçãoThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles