My mother wants me dead instead of fighting for my own life.
Akala ko ba pamilya tayo? Akala ko ba mahal niyo ko? Nagsisisi ba kayo na naging anak niyo ko? Do you even know how much pain I endure every single minute of my life? What kind of mother are you? Gusto mokong mamatay for what? Para mabawasan siguro sakit sa ulo no? Akala ko ba family is worth sacrificing for?
May cancer ako sa bituka. First thing I know is pwede akong mamatay dito syempre. Bakit kasi ako pa? Andami namang masasamang tao dito sa planetang 'to bakit ako pa? Challenge ba 'to? Kasi sobrang hirap ee. Makaya ko kaya? Alam ko kaya ko naman kung sasamahan niyo akong lumaban.
Convo w/ Mama
Mama: Oh? Bakit?
Ako: Ang sakit po e. (Turo sa tyan.)
Ma: Malamang! Sakit yan! Alam mo, mas gusto ko pang humiga ka nalang sa kwarto mo at papanoorin nalang kitang mamatay kaysa naman sa ipagamot pa kita e kung di ka lang naman rin gagaling edi nagsayang ka pa ng pera. Sus. Bahala ka na dyan. Si papa mo gusto ko ipagamot pero ako ayoko.
Why mama? Masakit ee. Sobra. Di mo alam yung mga binitawan mong salita sakin tumatak talaga sa utak ko yon. Hinding hindi ko makalimutan.
Ma, alam kong nagbabasa ka dito kasi nakikita kita minsan na iniistalk 'tong page na 'to at nagcocomment ka pa minsan. Sana alam niyo yung nararamdaman ko. Bakit ba ang tigas tigas ng puso mo pag dating sakin? Ano bang nagawa kong mali? Simula nung bata ako ganyan na turing niyo sakin. Kaya naiisip ko minsan ma, kahit mahal na mahal ko kayo, kaya ko kayong iwan kasi kung ganyan rin naman turing niyo sakin. Ayaw ko naman talaga kayong iwan pero ang sakit na talaga e. May disease ako, kayo healthy, ano laban ko? Anak lang rin naman ako, under mo si papa actually lahat nga pala. I love you so much mama. So much.
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles