May nakasabay ako sa FX na 3 Cfad guys. Pinaguusapan nila yung kablock nila na nagkataon na crush ng kaibigan ko. Edi tinext ko yung kaibigan ko na kasabay ko nga sa fx yung mga kablock ng crush niya. Tapos sabi niya sakin na kausapin ko daw para maging friends namin sila para mapakilala daw siya sa crush niya HAHA.
Habang nasa byahe iniisip ko na anong move gagawin ko. Pagbaba sa SM dalawa nalang yung natira sakanila so kinausap ko parin.
Me: Hi, what year kayo?
Them: First.
Me: Ah. What program? (Pero alam ko naman talaga kung ano.)
Them: (their program)
Me: Yun, sakto. I need to ask you questions lang for my research paper. Okay lang?
So tinanong ko na nga sila at sinagot naman nila lahat ng tanong ko.
Me: Alright thank you! I'm (name) from (section).
Sila rin nagpakilala. Tapos umuwi nako.
Pag uwi ko sinearch ko pangalan nila tapos nag DM ako na joke lang lahat ng sinabi ko tapos may "friends?" Sa dulo.
Nagreply yung isa na naniwala daw talaga sila sakin. Tapos friends na kami. Araw araw mag ka DM tapos hiningi niya number ko, araw araw magka IM ganon.
Naging close kami.
Lagi paring magkausap.
Friends talaga.
Syempre joke lang, crush ko na siya.
Nalaman ko sa friend niya na he "likes" me.
Nalaman niya rin na crush ko siya.
Nag KD kami. Lam nyo na yun.
Naging clingy onti.
Ayoko ng clingy. Di ako sanay.
Biglang di na kami nag usap.
Awkward na.
Wala na.
Awkward na talaga.
Wala na talaga.
Sobrang awkward na.
Sana friends nalang eh. Puta feelings.PS. Napakilala yung friend ko sa ka block niya.
idk
2014
College of Fine Arts and Design
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles