Nagsimula ang lahat ng maging magkatabi kami nung first year. Madalas nya akong asarin, pero ako nakikiride lang. Pano ba naman, kilala sya sa classroom na badboy, kaya hanggat maaari, sinubukan kong hindi makisama sa kanya at sa mga kaibigan nya. Akala ko nung nagkahiwalay kami ng section nung second year, makakaligtas na ako sa mga pangaasar nya. Pero mas malala pa pala ang mga nangyari. Parang title ng movie "That thing called Tadhana."
Nagkahiwalay nga kami ng section, pero nagsimula naman kaming magusap sa text. Hindi ko din alam kung pano nga nagsimula, pero ang alam ko hindi nakukumpleto ang araw ng hindi sya nakakatext. Nakaramdam na din ako ng pag asa sa love story naming dalawa, hanggang sa naconfirm ko na meron nga. Dahil isang araw, umamin na nga sya.
Sya: Mahal na ata kita..
Ako: O__O
Natuwa ako syempre, dahil gusto ko din sya. Pero kasabay non, natakot din ako. Dahil kilala nga syang badboy, at hindi ako sigurado kung totoo ba ang sinasabi nya, o isa lang ako sa mga collection nya. Kaya hindi ko din sinabi sa kanya ang nararamdaman ko. Sinabi ko lang sa kanya na patunayan nya muna na talagang mahal nya ako. He agreed. Sabi niya liligawan nya ako. Kaya naman sa school kapag breaktime, pumupunta sya sa room at tumatabi sakin para kausapin ako. Nakakatuwa lang, kasi pakiramdam ko talagang nageeffort sya. Madalas syang mag I love you sa text, pero hindi ko pa rin sinasagot. Dahil narin siguro galing ako sa heartbreak bago sya nagparamdam, at sinabi ko sa sarili ko na kung magmamahal ulit ako gusto ko ung mamahalin din ako ng totoo.
Sya: Alam mo na ba?
Ako: Na?
Sya: Na mahal na mahal kita?
Ako: (Speechless)
Kaya naman after a week, ng naramdaman kong totoo sya, nagdecide na ako na sagutin na sya..
Maaga ang uwian nila noon, at maaga din sya umuwi. Ako naman, excited na din umuwi para sabihin sa kanya na mahal ko din sya. Pagkacheck ko ng phone ko, wala na namang text. 2 days na kasi syang hindi nagttxt at since busy sa school, inakala ko na busy lang talaga sya. Kaya ako na nagtxt sa kanya.
Ako: Hi.. Kamusta ka na?
Sya: Eto, okay lang naman.
Ako: May gusto sana ako sabihin sayo e.
Sya: Ano?
Ako: Mahal din kita.
Ang tagal ng reply. Iniisip ko na baka sobra syang natutuwa. Yung parang sa movies na nagtatatalon ang mga lalaki kapag sinasagot sila. Pero ito ang reply nya.
Sya: Sorry, pero narealize ko na ayoko muna magkagirlfriend. Narealize ko na gusto ko ung ganito, paflirt flirt na lang.
Ako: (Nagulat) Paflirt flirt? Akala ko ba mahal mo ko?
Sya: Ako din e. Akala ko din. Pero ganito talaga ako e. Sorry, hindi ko sinasadyang maging pafall.
Ako: (Hindi pa rin ako makapaniwala) Hindi ako naniniwala. Sabihin mo sakin na mahal mo ko. Lagi mong sinasabi sakin na mahal mo ko bago ako matulog.
Sya: Osige. I love you, pero wala ng meaning to. Sorry kung nasaktan kita. Matulog ka na, may klase pa bukas.
That night pakiramdam ko bumagsak ang mundo sa katawan ko. Ang bigat sa dibdib, ang sakit. Hindi ko naimagine na magiging ganun ang kalalabasan. Pero ano nga ba ang dapat kong iexpect? Hindi pa rin pala sya nagbago, akala ko kaya nya magbago para sakin. Mali pala..
The next day, hindi ko alam kung pano sya haharapin kung sakaling magkasalubong kami. Pero isang balita ang unang sumalubong sakin..
Sila na daw ng classmate nya. At wala na akong ibang nagawa kundi ang mapanganga..
Miss AB
2010
Faculty of Arts and Letters
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles