After my daddy passed away, gumuho yata ang mundo ko. Sa sobrang lungkot ko siguro, pinili kong maging masaya kahit sa maling paraan.. Napabayaan ko yung studies ko. Pumapasok ako ng walang aral aral kahit para sa majors namin. And as a result, I failed 3 courses nung 3rd year ako.
Marami pa akong ginawa, uminom, natutong magyosi. Pero the worst, i had a fubu. Kahit may boyfriend ako. He's from Eng'g. Nagkakilala kami thru social networking site. Since we're both from ust, nagmeet kami. Medyo naging close sa text tapos ang dami nyang kwento. Na-kwento pa nga nya na kumabit sya sa may asawa. Haha. I dont know if i would believe that until now. Hahaha. Anyway, ayun niyaya nya ako. Pumayag ako. Ang landi dba? Ang kati? I know yan sasabihin nyo kasi kahit ako yan ang sinasabi ko sa sarili ko e. Gusto ko kasi makaganti sa boyfriend ko nun dahil many time he had lied to me di ko parin sya binatawan pero paulit ulit parin. Kaya ayun.
After I slept with that Engg guy. Nawalan na kami ng connection. I deleted him from my contacts na and everything. Tapos after some months nagparamdam na naman sya thru fb. Pero di na ako pumayag.
Fast forward.
Im happily married now to my bf. And I really love him. Kasi nga dba sabi sa Bible, love is patient and kind. It keeps no record of wrongs. I learned from that. I realized na mali talaga ako. Kaya ngayon pinagsisihan ko parin kasi si ko naman mabubura yun sa memory ko. Minsan naaalala ko sya pag may kumakanta or nagigitara. Pero inaalis ko nalang agad sa isip ko kasi dba sobrang mali.
Kaya dapat talaga pag-isipan bawat gagawin. Di dahil nasaktan ka at malungkot ka, bubulagin mo yung sarili mo sa saya. Minsan mabuti ring gamitin yung sakit at lungkot para matuto at dalhin ka sa kasiyahan.
Sewing Kit
Alumni
College of Fine Arts and Design
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles