Royal Couple Part 2

22K 514 48
                                    

First time na may nagpost tungkol sa akin, yung nakakahiyang storya pa anak ng.....hahaha

So ako yung kuya na nag-assume na si Ate Science ay hinihingi yung cellphone number ko sa isang cafe. Hindi pala. Pucha nakakahiya! Hindi ko alam kung bakit ang feeler ko nung araw na yun. Sadyang nabobo lang ako nun kaya ganun ang pagkakaintindi ko sa "kuya yung number mo." Nung nagsmile kasi ako kay Ate Science, nagsmile din siya ng onti kaya akala ko talaga seryoso niyang hinihingi number ko. Sayang.

Nung kinwento ko sa blockmates ko pagkaakyat ko malamang tawang tawa sila di ba? Sinuggest din nilang lapitan ko si Ate Science sa table niya at tanungin man lang name niya, OR, ibigay ko daw talaga yung cellphone number ko. Alaws e, natorpe ako. Pero to Ms. "KATE MIDDLETON" from the College of Science: Sana hiningi mo na lang talaga number ko nun 

Tambay ka ulit sa Cafe ** tapos iiwan ko ulit number ko sa cashier, basta dapat ikaw ulit tumawag sa akin. Hahahahaha pucha demanding e no? Hope to run into you again soon 

PS: I'm from Arki by the way, not CFAD 

Prince William
2011
College of Architecture

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon