TRUE LOVE

26.1K 633 39
                                    

Nagkaroon ako ng boyfriend nung 2nd year college ako. At nagbreak kami february nung 4th year na ako . Thirteen months after graduation ko nagkausap kami at nagdecide na magkita.

Nagusap kami normal na usap at dumating yung topic na pinakainiiwasan ko. Sabi niya "bakit ang dali mo akong binitawan nung nagbreak tayo?" Sabi ko "buntis na ako nung nagbreak tayo at ayokong idahilan yun para lang manatili ka sakin" tas nagulat siya at medyo nagwala. Sabi niya "ASAN NA" "ANO PANGALAN" "TATAY AKO?" Sagot ko "malamang." Tas sumama siya pauwi sakin at may pinakita akong baby na three months old. Umiyak siya, as in umiyak at binuhat ang bata. Makalipas ang mga dalawang oras na hawak niya yung bata nagusap ulit kami. Bakit hindi ko daw sinabi bakit tinago ko, PURO BAKIT. Tas sabi ko "bakit ka ba ng bakit? Hindi ko anak yun, sa pinsan ko yun. Jinojoke lang kita." Sani niya "seryoso ka ba? Hindi ko anak yun?" Tas sabi ko "hindi nga". UMIYAK ULIT!! At nakarinig ako ng mga salita na ako naman ang napaiyak.

"Akala ko anak ko yun, akala ko tatay na ako pero hindi pala. Pero ok lang. Pinaasa mo lang naman ako parang nung nagbreak tayo. Masaya na sana ako kasi ikaw yung nanay nung anak ko sana kaso hindi pala. Umiyak pa ako sa tuwa kanina kasi may anak pala ako at ikaw ang nanay. Natuwa ako kasi sobrang mahal pa kita, naramdaman ko kung pano magkaanak at kita ko sa mga mata mo na natuwa ka sa reaction ko kasi naluha ka rin. Ang saya, ang sarap. Sana pala totoo nalang. KUNG MAGKAKAANAK MAN AKO SANA IKAW NANAY. Pwede ba yun? Kasi mahal kita, kasi ikaw parin laman ng puso ko. Nakita ko bigla future ko nang makahawak ng anak. ***, pwede ba yun?"

NAIYAK AKO. Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na naiyak nang makahawak ng baby knowing na anak niya yun. Ganun kaspecial sa kanya magkaanak, ganun niya ako kamahal at aaminin kong mahal ko parin siya.

Nagkatotoo lahat, pagkagraduate niya nagpakasal kami at bumuo ng pamilya. Tatlo na pala ang anak namin, sina Thomas, Simone and Diane. Ganun kasarap magmahal ng tomasino. Akala ko bad joke ang pagsabi na may anak na siya kaso hindi pala. It led us to another fruitful beginning.

Girl buntis 
2000 
Faculty of Arts and Letters

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon