Faith In Humanity Restored

2.8K 53 1
                                    

FAITH IN HUMANITY RESTORED

Hating gabi na at pauwi na ako sa condo ko galing parañaque. nakasakay na ako ng fx: Sucat-Lawton. Hindi pa ako dinadalaw ng antok malamang dahil sa dalawang tasa nang kape na ininom ko. Ako lamang ang nagiisang pasahero kaya't minabuti ko nang daldalin si manong.

Napagusapan namin ang tungkol sa K12 program, Sa hirap ng buhay, Ang sweldo nang pagiging drayber, Ang bulok na sistema nang ating gobyerno, Ang kapanahunan noon at ngayon, Ang mabababaw na palabas sa telebisyon at iba pa. Nakumbinsi ko pa nga si manong na bumoto sa nalalapit na eleksyon at humingi rin siya nang suhestiyon kung sino nga ba ang dapat mag manage sa pera nang pamilya at kung anu-ano pa.

Kahit na may mga ibang pasaherong sumasakay patuloy parin kami sa pagpapalitan nang mga ideya sa aming pinaguusapan. Bababa na sana ako nang umulan nang malakas, Nagmagandang loob si manong na ihatid ako sa Pandacan. Walang halong kapalit, Walang halong dagdag pamasahe. Isipin niyo na lang ang oras na maaaksaya sa pagbyahe nang lawton papuntang pandacan, marami raming pasahero na rin ang pwede mong maisakay. Kaya nung una tumanggi ako sapagkat ayaw ko siya maabala pero sa kahulian ay nakumbinsi na rin ako dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Nagmagandang loob akong magbigay nang 200 pesos pero ay tinangihan niya ito at sinabing ""yan kasi ang mahirap sa panahon natin ngayon, konting tulong na nga lang para sa kapwa mo, kaylangan mo pang bayaran""

Hindi ko akalain na may mga tao pa palang ganito ngayon.
Sa panahon kasi natin ngayon, nalilimitahan na ang ating mga aksyon dahil sa pagproprotekta ng ating sarili. Masyado kasi tayong naniniwala sa lipunan na lahat nang tao masama. Hindi ko naman sinasabing magtiwala ka nang ganon kabilis pero ang akin lamang ay wag mo itrato na lahat ng tao may gagawing masama sayo. Pag nagpakita ka nang mabuti, panigurado mabuti rin ang babalik sayo. Saludo ako sayo manong! Pagpalain po sana kayo ng diyos.

Anomalous
2014
Faculty of Arts and Letters


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon